Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Doctors on TikTok, kilalanin sa ‘Brigada’


BRIGADA
FEBRUARY 27, 2021

DOK TIKTOK
Ilang mga kontrobersyal na tanong tungkol sa sex… handang sagutin ng ilang mga doktor na milyun-milyon na ngayon ang followers online tulad na lang ng bubbly at charming na si Dr. Krizzle Luna!   Kadalasang nagbabahagi sila ng mga payo tungkol sa women's health. Ang nakaaaliw na si Dr. Kilimanguru,  dinadaan sa pakwela ang medical tips para mas madali raw maintindihan! Nakilala ni Kara David ang tinaguriang mga "Dok Tiktok"!

 


LADY Z
Hindi na lang live selling ang nauuso ngayon sa Facebook, dahil mayroon na ring gumagamit nito para makapanghula at makapanggamot na tila albularyo. Ganito ang araw-araw na ginagawa ni Lady Z sa harap ng libu-libo niyang followers sa tuwing sumasalang siya online para mag-livestream ng kanyang healing sessions. Pinaghahalo niya ang tradisyunal na mga paniniwala sa panghuhula at ang modernong teknolohiya ng internet para sa mga humihiling ng kanyang serbisyo. Mahuhulaan kaya niya ng tama ang mga dalang katanungan ni Nelson Canlas?

 



ALAB NG SIRKUS
Matinding lagablab ng apoy ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng stunt performer na si Mr. Wireman na tumatawid sa alambreng umaapoy, pati na rin ng mag-asawang firedancers na sina Mico at Kristalyn. Hindi nila alintana ang panganib na dala ng kanilang mga palabas makapaghatid aliw lang sa kanilang mga manonood. Sa tagal na nilang ginagawa ang ganitong mga pagtatanghal, natutunan na rin nilang gamitin ang elemento ng apoy para hindi sila malagay sa peligro, at patuloy pang magpasiklab sa kanilang stunts! Nasaksihan ni Lala Roque ang pasabog na performance ng mga fire stunt performers na ito!

 


Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 8:20 ng gabi, sa iisang Brigada.