Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
BRIGADA

Queen of Philippine wrestling na si Venice Gabriel, kilalanin sa Brigada!


 


 

BRIGADA
Airing: January 29, 2022

PINOY WRESTLING
Sa larangan ng palakasan, sadyang mahilig tayong mga Pinoy sa matitinding bakbakan. Kaya naman hindi na nakapagtatakang patok sa atin ang larong boksing. Dahil dito, malaki rin daw ang potensyal ng wrestling sa ating bansa, bagay na nais maipalaganap ng Philippine Wrestling Revolution o PWR. Tulad ng ibang pro wrestling groups na sikat sa ibang bansa, maaksyong mga labanan din ang hatid nila sa tulong ng mahuhusay na wrestlers sa kanilang hanay. Isa sa kanila ang tinaguriang Queen of Philippine Wrestling na si Crystal na bukod sa hilig sa larong ito, may malalim ding kuwento kung paano napasok sa wrestling. Nakilala ni Kara David ang ilan sa  pinakamatitinding Pinoy wrestlers ng PWR at mga hamon na kanilang hinaharap sa larangang ito.


Filipinos love intense contact sports, with boxing being one of the most popular. Because of this,  the Philippine Wrestling Revolution or PWR wants to promote wrestling’s great potential in our country. Like other pro wrestling groups that are famous abroad, they also bring high-octane fights with the help of some of the strongest fighters in their ranks. One of them is the so-called Queen of Philippine Wrestling Crystal who has a deep story on how she got into this career. Kara David meets some of the Filipino wrestlers of PWR and finds out the challenges that they face during the pandemic.

 

 
MILAGROSONG SANTO NIÑO?
Sa katatapos lang na pista ng Santo Niño, kabi-kabilang mga nakuhanang video ng pagdiriwang ang nag-viral. Partikular na umani ng atensyon ang mga nahuli sa camera na biglaang pagsayaw diumano ng mga imahen sa isang pista sa Negros Occidental kung saan makikitang halos iwasiwas na ito ng isang babaeng may hawak dito. Siniyasat ni Mav Gonzales ang kuwento at katotohanan sa likod ng mga video na ito.
During the recent feast day of Santo Niño, several captured videos of the festival quickly went viral. Shocking images were caught on camera, among them were videos of an allegedly dancing Santo Niño image in a festival in Negros Occidental. Mav Gonzales investigates the truth behind these videos.
 

KALBARYO NI DANICA
Malaking pagsubok ang araw-araw na buhay ng 19 na taong gulang na si Danica. Ang kanya kasing buong katawan, balot ng sugat at nagbabakbak na balat, dahilan para magdulot ito ng matinding kirot at hirap sa pagkilos, at ito ang tinitiis niya mula pa noong ipanganak siya. Kahit paano raw ay naiibsan ang hapdi ng kanyang mga sugat dahil sa mga ipinapahid sa kanyang gamot ng mga magulang niya. Inalam ni Victoria Tulad ang kondisyon ni Danica sa tulong ng medical experts at kung ano nga ba ang posibleng lunas dito.

19-year-old Danica's life is a big challenge that she endures on a daily basis. Her whole body is covered with wounds and peeling skin, causing her severe pain and difficulty in movement. Victoria Tulad finds out from medical experts what disease is causing Danica’s misery and the possible treatment that could ease her pain.

 

 
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:50pm in Brigada on GTV.