ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
BRIGADA

Mga nakakikilig na wedding proposal, abangan sa Brigada!


 

 
BRIGADA
Airing: February 12, 2022
 
KILIG PROPOSALS

Bago magpalitan ng "I do" sa simbahan, "Will you marry me?" muna ang nagbabagang tanong na nangangailangan ng sagot. At dahil palaging sorpresa ang tagpong ito, hindi maiiwasang makuhanan ang mga nakaaaliw na reaksyong kinagigiliwan naman ng marami online. Tulad na lang ng viral video ng couple na sina Von Rian at Liam kung saan nagsimula lang ito sa ordinaryong "what's in the box challenge", pero nagtapos sa eksenang kilig na proposal! Iba't ibang viral proposal videos ang ihahatid sa atin ni Oscar Oida.
Before exchanging "I dos" at church, "Will you marry me?" is the burning question that needs an answer. And since this scene is always a surprise, there will be quirky reactions of the couple, particularly the soon-to-be bride. Just like the viral video of Von Rian and Liam which started as an ordinary “what’s in the box challenge”, but ended with a thrilling proposal scene! Oscar Oida will bring us viral proposal videos.

 

 
 
VALENTINE’S DAY GETAWAY
Love is in the air, dahil din papalapit na nang papalapit ang Valentine's day! At kasama siyempre sa selebrasyon ng okasyong ito ang sweet at memorable date kasama ang iyong pinakamamahal. Kung wala ka pang maisip na Valentine's day gimik, maaaring subukan ang ginawang diskarte ng rider couple na sina JV at Misha. Gamit ang kanilang motorsiklo, quick ride ang naisip nilang gawin papuntang Tagaytay kung saan puwedeng mag-mabilisang coffee date sa ilang roadside coffee shops na matatagpuan doon, o hindi naman kaya ay itodo na ang kilig sa isang romantic al fresco dining experience habang overlooking sa magandang tanawin ng Taal! Ibinahagi nina JV at Misha ang kanilang Valentine's date tips kay Darlene Cay.
Love is in the air, and as Valentine's day gets near, couples are coming up with more creative ways to celebrate the occasion.
Rider couple JV and Misha thought of spending this special day by having a Valentine's day getaway. On board their big bike, they decided to take a quick ride to Tagaytay where they can have a quick coffee date at roadside coffee shops, or a romantic al fresco dining experience while overlooking the beautiful Taal lake! JV and Misha shared their Valentine’s date tips with Darlene Cay.
 
 
KAHIT SAAN
Labing isang taong tumagal ang pagmamahalan ng LGBT couple na sina Joamar at Dennis. Pero hindi nila inasahang magtatapos ang lahat dahil sa isang trahedya matapos pumanaw ni Dennis dahil sa Covid 19. Kaya naman para maibsan ang labis na kalungkutan, laging bitbit ni Joamar ang mga abo ni Dennis saan man siya magpunta, lalo na sa mga lugar sa Baguio na malaki ang naging parte sa kanilang buhay bilang magkasintahan. Isa si Nelson Canlas sa mga naantig sa pambihirang kuwento ng wagas na pagmamahalan nina Joamar at Dennis.

LGBT couple Joamar and Dennis spent the best eleven years of their lives together. But little did they know that it will come to an abrupt end, after Dennis succumbed to Covid-19. To ease the pain, Joamar always carries Dennis' ashes wherever he goes, especially in areas in Baguio that have been part of their lives as lovers. Nelson Canlas listens to the extraordinary story of pure love between Joamar and Dennis.
 
 
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:50pm in Brigada on GTV.
 
 
 
 
 
 
 

 

 

 
 
 
 

 

 

Tags: brigada