ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Komedya and talampunay
Episode on July 4, 2008 Friday night after Saksi Komedya de peligro In a town in Baler, an ancient tradition continues to live on: the Komedya, a show that depicts the war betweem the Christians and the Moros. Although it is only meant to honor a tradition, the Komedya's presentation looks dangerously true to life because the actors use real axes and sharp spears during their fights. It is no surprise then that with each presentation comes an accident waiting to happen. Rommel, one of the actors in the Komedyante, has lost some of his fingers. Meanwhile, Ka Jamie, a veteran actor portraying a Moro-moro, had sustained wounds in different parts of his body. Despite these incidents, the people of Baler still want to continue the Komedya tradition which leads one to ask: does tradition matter more than safety? Talampunay kids Previously, Emergency did a story about a flower that was being abused by some people to get high: the Talampunay. Also called the trumpet of the angels, the Talampunay became a sought after drug by some addicts because it's effect is said to be greater than all other drugs, even marijuana! Recently, Emergency discovered that kids are now abusing the Talampunay. One of these children is said to have gone mad because of excessive use of the addicting flower. How can these kids be prevented from abusing the Talampunay when it is not even listed as a dangerous or prohibited drug?
Komedya de peligro Sa isang bayan sa Baler, buhay na buhay pa ang isang tradisyong namana pa sa kanilang mga ninuno: ang Komedya. Ito ay isang palabas kung saan isinasadula ang labanang Kristiyano at Moro. Makatotohanan ang pagtatanghal ng mga komedyante...dahil ang gamit nilang panlaban...tunay na matatalas na itak at sibat! Kaya hindi na nakapagtatakang nagkakaroon ng mga aksidente sa bawat pagtatanghal. Ang isa sa mga komedyante na si Rommel, naputulan na ng mga daliri. Si Ka Jamie naman na beterano nang aktor sa moro-moro, nasugatan na sa tenga at iba pang bahagi ng katawan. Pero dahil nais ng mga taong ipagpatuloy ang tradisyong ito, patuloy pa rin ang makatotohanan pero delikadong mga pagtatanghal. Ano ang mas matimbang, ang tradisyong nakagisnan o ang sariling kaligtasan? Talampunay kids Minsan nang nakwento ng Emergency ang pag-aabuso ng ilan sa isang bulaklak na minsan ding tinatawag na trumpeta ng mga anghel: ang Talampunay. Ang bulaklak na ito, kinaaadikan ng ilan at ginagawang droga! Iba raw ang tama nito, mas matindi pa sa ibang droga tulad ng marijuana. Sa pagkakataong ito, hindi na lang pala mga matatanda ang gumagamit nito... may mga menor de edad ding nakilala ang Emergency na nagsimula na ring abusuhin ang halamang ito. Ang isa sa mga batang ito, tuluyan na raw nabaliw dahil sa sobrang kakagamit ng Talampunay. Paano kaya mailalayo ang mga kabataang ito sa nakaka-high na Talampunay kung hindi naman ito ipinagbabawal at hindi pa rin kasama sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot?

Tags: emergency
More Videos
Most Popular