ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents Emergency's shocking medical stories
Episode on July 5, 2008 Saturday, 11:15 p.m. 
Three of Emergency's most shocking medical stories air this Saturday night on Sine Totoo. Brothers Gerald and Joseph Daza exhibit disturbing self-mutilating behavior - to the point where they have bitten off their own lips, tongues and fingers! They have a hereditary disorder that comes out in only one of 400,000 live births, Lesch Nyhan syndrome. Born to a poor family, how can these brothers cope? A girl cannot resist the urge to pull out and swallow strands of her own hair, especially when emotionally stressed. Her situation remains unknown to her loved ones until she is rushed to the hospital for severe stomach pain. To her family's surprise, surgeons find a massive bundle of hair clogging her stomach! The Emergency team discovers food stalls that sell recycled food foraged from garbage bins, called pagpag. Because the mini carinderias sell meals for only 10 to 15 pesos, they attract a lot of patrons. What health risks do their customers face? Now the longest-running public affairs show on Philippine television, Emergency continues to educate its viewers on important and sometimes eye-opening health issues, under the leadership of executive producer Sherilyn Bruan and with the help of staffers like researcher turned segment producer Nick Samson. Sine Totoo host Howie Severino interviews them regarding the show's mission in finding even the rarest of diseases. Catch these three unforgettable Emergency stories, Saturday late night only on Sine Totoo.
Tatlo sa pinaka-nakagugulat na istorya ng Emergency ang tampok ngayong Sabado sa Sine Totoo. Ang magkapatid na Joseph at Gerald Daza parehong sinasaktan ang kanilang mga sarili: kinakagat nila ang kanilang mga labi, dila at daliri! Mayroon silang Lesch Nyhan syndrome, isang hereditary disorder na lumalabas sa isa mula sa 400,000 na batang ipinapanganak. Mahirap lamang ang pamilyang Daza. May pag-asa pa kayang gumaling ang magkapatid? Isang babae ang hindi mapigilan ang sariling bunutin at kainin ang sarili niyang buhok. Walang nakakaalam ng kanyang kalagayan hanggang sa isugod siya sa ospital dahil sa matinding sakit ng tiyan. Ang sanhi: isang malaking kumpol ng buhok na bumabara sa kanyang bituka! Matutuklasan ng Emergency team ang mga karinderya na nagtitinda ng pagkain sa murang halaga: 10 hanggang 15 pesos. Yun pala, mga pagpag, o pagkaing pinulot mula sa mga basurahan at pinagpagan ng dumi, ang binebenta nila. Anong pinsala ang maaring idulot nito sa taong kumakain sa ganitong karinderya? Ang pinakamatagal na Public Affairs program sa Pilipinas, ang Emergency ay nagpapatuloy sa pagtuturo at pagbubukas ng mata ng lipunan sa mahahalagang isyung pangkalusugan. Kakapanayamin ni Sine Totoo host Howie Severino ang Executive Producer na si Sherilyn Bruan at Segment Producer na si Nick Samson ukol sa misyon ng Emergency na hanapin at alamin pati ang mga pinaka-bihirang sakit. Tunghayan ang tatlong di malilimutang istorya ng Emergency ngayong Sabado sa Sine Totoo.

More Videos
Most Popular