ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents "Gulong ng Buhay"
Episode on July 13, 2008 Saturday, 11:15 p.m. Jay Taruc - who has made a name for himself by journeying throughout the countryside on two wheels in his motorcycle documentaries - travels Metro Manila on a very different set of wheels in "Gulong ng Buhay", airing this Saturday night on Sine Totoo. To expose the plight of persons with disabilities or PWDs in the country, Jay rolls through the streets of Metro Manila on a wheelchair. Jay meets Carlito, a student who lost his leg during an accident right before his college graduation and Atty. Jessica Siquijor, a wheelchair-bound lawyer who fights for her clients' rights as well as her own when she confronts MMDA Chairman Bayani Fernando about the lack of facilities for persons with disabilities. Together with Kuya Obet of Tahanang Walang Hagdan, Jay attempts to commute, only to discover that even when flagged down, many jeeps and buses will not stop for those on wheelchairs. Jay himself discovers that the buildings of key government agencies are still not complying with BP 344 or the Accessibility Law. Some do not have elevators or railings attached to the comfort rooms, some have very steep ramps and no parking slots for persons with disabilities. In one City Hall, he finds the mayors' car in the disabled parking space! In a mini-segment before this feature airs, Sine Totoo host Howie Severino gives pointers on how the different camera angles used by Taruc's team helped illustrate the problems of persons with disabilities.
Isang matinding imersyon ang hinarap ni Jay Taruc para sa dokumentaryong "Gulong ng Buhay" - na muling mapapanood ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo. Para ipakita ang mga pagsubok na hinaharap ng mga persons with disabilities o PWD sa ating bansa, isinabak ni Jay ang sarili sa buhay-wheelchair at buong tapang na nilakbay ang mundo ng mga hindi nakakalakad. Kasama sa kanyang nakasalamuha sina Atty. Jessica Siquijor, na pursigidong itinataguyod ang karapatan ng kanyang mga kliyente sa korte kahit na siya ay naka-wheelchair; at si Carlito na naputulan ng binti bago lang makapagtapos ng kolehiyo. Kasama ni Kuya Obet ng Tahanang Walang Hagdan, sinubukan ni Jay na sumakay ng jeep. Dito niya naranasang karamihan sa mga ito ay hindi nagsasakay ng mga naka-wheelchair. Sakay ng wheelchair, binisita ni Jay ang ilan sa pinakamahahalagang opisina ng pamahalaan. Natuklasan niyang marami sa mga ito ang hindi pa rin nakakasunod sa BP 344 o Accessibility Law. Marami ang walang rampa, CR o parking space para sa mga PWD. Sa isang City Hall na kanyang binisita, mismong sasakyan ng mayor ang nakasiksik sa disabled parking space! Sa isang maiksing segment, ipaliliwanag ni Howie Severino, host ng Sine Totoo ang mga anggulo ng camera na ginamit ng grupo ni Jay sa paggawa ng dokumentaryong ito.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular