ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Cat meat, dangerous sea creatures and botched cosmetic procedures
Episode on July 18, 2008 Friday night after Saksi Cat meat Adobo, kilawin sinabawan and even dinuguan. These are the different dishes cooked with an ingredient that is becoming popular in Pangasinan -- cat meat! Cats are being caught and sold by the residents, especially in bus terminals. Some buyers who don't have cash opt to pay with goods such as garlic and sweet potatoes. The residents believe that cat meat can heal such as illnesses as asthma and can help strengthen the body. Contrary to this, however, a study conducted by the Sirius Global Organization indicates that eating cat meat can cause illnesses such as rabies, diphtheria and other parasitic infections. Dangerous sea creatures Divers have to beware of dangerous sea creatures especially those that have pointed bodies. Crown of thorns and sea urchins are known to cause illnesses to anyone it comes into contact with. Emergency met some fishermen who were wounded by these sea creatures. Aside from the extreme pain of the wound, they also noticed that there was persistent infection. Botched cosmetic procedure Aling Soledad wanted to have her eyebags removed and to have her nose lifted. Since she wanted to save on expenses, she chose to have the cosmetic procedure done in an acquaintance's house. At first, the injections she had produced the desired results. But after two years, Aling Soledad developed bumps on her face due to infection. Jhernie's silicon implant ate her lungs and caused her pneumonia. Her pneumonia had complications which eventually killed Jhernie. How can one ensure that they will undergo a safe cosmetic procedure?
Potaheng pusa Adobo, kilawin sinabawan at maging dinuguan. Ganito niluluto ang kakaibang potahe na talamak sa isang baranggay sa Pangasinan⦠ang Pusa! Hinuhuli at binebenta ito ng ilang residente para pagkakitaan. Maging sa terminal ng bus, talamak na ang bentahan. Ang ilan, kapag walang pambili, ang mga tanim nila tulad ng bawang o kamote ang ipinapambayad. Naniniwala kasi ang ilang residente dito na nakagagamot ang karne ng pusa sa mga sakit tulad ng asthma at nakapagpapalakas ito ng katawan. Pero ang paniniwalang ito salungat sa bagong pag-aaral na ginawa ng Sirius Global Organization. Bukod sa maaring magdulot ng rabies ang pagkain ng pusa, maaari rin daw itong pagmulan ng sakit na diphtheria at iba pang parasitic infections. Gayunman, wala pa naman daw naiulat na mga residenteng napahamak dahil sa pagkain ng pusa. Ang potaheng pusaâ¦ligtas bang lamang tiyan o tiyak ang panganib ang dala? Lason sa tusok Sa pagsisid sa dagat, may mga nilalang na dapat pag-ingatan. Lalo na ang mga lamang dagat na may matutulis na katawan tulad ng crown of thorns at sea urchins. Kapag natusok raw kasi ng mga ito, maaaring magdulot ng sakit sa tao. May ilan mga mangingisda ang nakilala ng Emergency na nabiktima ng mga ito. Bukod sa sobrang sakit, hindi nawawala ang impeksyon sa natamaang bahagi ng katawan, Paano nga ba makakapag-ingat sa mga nakatutusok na lamang dagat na ito? Palpak na retoke Si Aling Soledad, sa pagnanais na mawala ang eye bags at tumangos ang ilong, nagplanong magpaturok. At dahil gusto niyang makatipid, sa bahay ng isang kakilala siya nagpaturok. Maayos naman ang kinalabasan noong una, pero pagkalipas ng dalawang taon, nagbukol-bukol ang kaniyang mukha dahil sa impeksyon. Ang silicon implant naman ni Jhernie, nauwi sa kapahamakan. Nagkaroon siya ng pneumonia matapos kainin ng silicon ang kaniyang baga. Ang komplikasyong ito ang ikinamatay ni Jhernie. Ano ba ang mga dapat tandaan para makaiwas sa palpak na retoke? Abangan ang mga ito ngayong Biyernes, July 18, sa Emergency kasama si Arnold Clavio.

Tags: emergency
More Videos
Most Popular