ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Miniature museum, make-up makeover and kitchen showcase


Episode on August 10, 2008 Sunday, 10 a.m. MINIATURE MUSEUM Mini-mini-my-nimo! Sa dami ng Museum dito, hulaan ninyo ang next na papasyalan ko! Ano pa kundi ang ipinagmamalaki ng Marikina City, ang Miniature Museum! Dito matatagpuan ang 60,000 miniature pieces na bumubuo sa 24 miniature rooms in glass cases. Ang bawat isa ay koleksiyon ng tanyag na Interior Designer na si Aleli Vengua. Ipinahiram ang mga ito ng kanyang anak sa Lungsod ng Marikina for public viewing ng pumanaw si Ginang Vengua. Samahan ninyo akong libutin ang Miniature Museum at mamangha sa intricately designed pieces no larger than the palm of you hands! Siguradong matutuwa kayo at hahanga sa tiyaga na ibinuhos ni Ginang Vengua, upang mapaganda ang mga ito. Talaga nga namang big things come in small packages dito sa Miniature Museum! PAOS Alam ba ninyo na ang pagka-paos ay di dapat balewalain? Kilalanin si Mang Alberto, inubo ng matindi dalawang taon na ang nakararaan. Magmula noon, namaos na ito at di na bumalik ang normal na boses. Alamin natin ang mga kadahilanan sa likod ng matinding pamamaos ni Mang Alberto. Samahan ninyo akong tuklasin ang mga panganib na kabalikat ng pamamaos. Tandaan, di lahat ng karamdaman ay dapat balewalain. MAKE UP MAKEOVER Mga mare, mahilig din ba kayo sa mga make up gaya ko? Sa panahong ito, may kamahalan na nga ang mga koloreteng ito. Kaya naman kundi mo iingatan, maaaring masira agad ang mga yan. Kaya naman alamin natin mula sa isang expert kung paano makatitipid when it comes to make up. Dahil isang make up makeover ang handog namin sa inyo! Ituturo namin sa inyo ang mga simpleng paraan upang ang mga nadurog na pressed powder at nabaling lipstick ay muling mapakinabangan! KITCHEN SHOWCASE Kumpleto ba ang iyong kagamitan sa kusina? Kung hindi pa, samahan niyo kami ng pambansang bading na si Kumareng Diego. Maglibot tayo upang malaman natin ang mga must haves sa ating mga kusina na budget friendly talaga.
Tags: susan