ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Blood masterpiece and dangers of betel nut


Episode on October 10, 2008 Friday night after Saksi Blood masterpiece Elito Circa is a very special artist. His paintings come to life because of his atypical style and method. He does not use the usual oil or watercolor as medium -- instead, he paints with his own blood. What do experts say about this and what are the effects of this practice on his health? Dangers of betel nut For most people in Benguet, chewing and spitting betel nut is a habit. They say betel nut helps them to be more alert and keeps their bodies warm amid the cold weather in their region However, experts say that this more than just a habit. Betel nut combined with tobacco contain nicotine which is highly addictive. This is aside from the fact that people develop poor dental hygiene because of the irremovable stain of the betel nut in the mouth.
Obrang dugo Buhay na buhay ang mga obra ng pintor na si Elito Circa. Bukod sa kanyang natatanging talento sa sining, may kakaiba pa siyang sikreto. Ang kanyang ginagamit pampinta, hindi karaniwang watercolor o oil, kundi sarili niyang dugo. Ano kaya ang pananaw rito ng mga eksperto? At Ano naman kaya ang epekto nito sa katawan ni Mang Elito. Panganib ng nganga Betel nut, betel leaf, apog at tobacco ang sangkap ng nakasanayang hilig ng mga taga - Benguet. Pinaghahalo-halo ang mga ito, saka isusubo, ngunguyain at ududura. Ito ang paborita nilang moma o nganga. Pampasigla raw para sa iba ang nganga. Sa katunayan, sinabi ng ilang minerong na-trap kamakailan sa tunnel ng Benguet, nganga ang nakatulong sa kanila para makatagal sa matinding lamig sa loobg ng kuweba. Mainit din daw kasi ito sa katawan. Pero ang iba, sadyang nahuhumaling na sa lasa ng nganga. Dapt daw itong ikabahala dahil may masamang epekto rin ito sa kalusugan. Dahil sa tobacco, may nakaaadik na ncotine itong taglay. Nakakapaso ng dila kapag nasobrahan sa apog at hindi natatanggal ang mantsa sa bibig ng kulay nito. Kaya nagulat ang Emergency nang makitang hindi lang pala matatanda ang nagnganganga sa Benguet. ang ilang kabataan doon, natuto na ring ngumuya nito.
Tags: emergency