ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents "Nanay na si Nene"
Episode on December 20, 2008 Saturday, 11:30 p.m. How can you care for a baby, if you yourself are still a child? Teen mothers in the Philippines have never been unusual. But if decades ago, most teenage mothers were 16 or 17 years old . they are now getting pregnant as early as 12 or 13. This Saturday, Sine Totoo presents a documentary by Sandra Aguinaldo that delved into the lives of very young mothers and mothers-to-be - "Nanay na si Nene". At 13, Lealyn -- not her real name -- bears two very big responsibilities. Lealyn gave birth to twins! She and her 17-year-old partner search for ways everyday to buy milk for their daughters. But more often than not, their babies' bottles are filled only with water and sugar. Belinda is 14 years old and five months pregnant. At her age, the girl can barely grasp the responsibilities that come with having a child. She has not visited an OB-Gyne or received any pre-natal care during her pregnancy. Critics blame the lack of available information about sex and reproductive health for these early pregnancies. In most classrooms, teachers only go as far as teaching students about the various parts of the anatomy, as well as menstruation, and circumcision. But sex itself is not discussed. Before this episode's rerun, Sine Totoo host Howie Severino interviews Sandra Aguinaldo and director Abbie Lara - whose I-Witness team recently received the Best TV Documentary award from the PopDev Media Awards. Meet these young moms and learn the difficulties they face having children at their age as Sine Totoo airs "Nanay Na Si Nene" this Saturday late night.
Paano mo aalagaan ang isang sanggol, kung ikaw mismo ay isa ring paslit? Sa panahon ngayon, marami na ang batang may edad dose hanggang katorse na nagbubuntis! Ngayong Sabado, mapapanood muli sa Sine Totoo ang dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo na nagpakita sa buhay ng mga batang batang ina at malapit nang maging ina - ang "Nanay na si Nene". Trese anyos pa lang si Lealyn - 'di niya tunay na pangalan - pero dalawang malaking responsibilidad na ang kanyang dala-dala. Mayroon na siyang kambal! Kasama ang asawang 17 anyos pa lang, araw-araw nilang binubuno ang pambili ng gatas ng mga bata. Pero dahil hindi pa handang maghanap-buhay, kadalasan, tubig lang na may asukal ang iniinom ng kambal. Nakilala rin ni Sandra si Belinda, na sa edad na katorse ay limang buwan nang nagdadalantao. Walang kamuwang-muwang ang dalagita sa mga paghahandang dapat niyang ginagawa para sa panganganak. Ni minsan, hindi siya nakapagpa-check up sa OB-Gyne. Isinisisi ng ilang mga kritiko ang maagang pagbubuntis sa kakulangan sa kaalaman sa sex at reproductive health. Sa karamihan ng mga paaralan, itinuturo lang ng mga guro ang istruktura ng reproductive system - kasama na ang pagkakaroon ng regla at pagpapatuli. Pero hindi tinatalakay ang tungkol mismo sa sex. Bago ipalabas ang "Nanay na si Nene", mapapanood ang panayam ni Howie Severino ng Sine Totoo kina Sandra Aguinaldo at direktor niyang si Abbie Lara. Kamakailan lang, natanggap ng kanilang I-Witness team ang Best TV Documentary award mula sa PopDev Media Awards para sa dokumentaryong ito. Kilalanin ang mga batang ina sa "Nanay na si Nene" - ngayong Sabado ng gabi sa Sine Totoo.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular