ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The Payatas tragedy


Episode on January 15, 2009 Thursday night after Saksi More than 300 people were buried alive when a mountain of garbage collapsed in Payatas eight years ago. Although almost a decade has passed, no one has been made responsible and punished for what happened until now. What do former QC Mayor Ismael Mathay and other government officials have to say as to who is responsible for the tragedy? Join Kara David as she investigates why, despite two Philippine presidents ordering its closure, the Payatas dumpsite remains open. Where does the 2.1 billion pesos the dumpsite earns ever year go? Are there other dumpsites in danger of suffering the same tragic fate as that of the Payatas dumpsite? Revisit the fateful day in July 2000 as indie director Eli Balce recreates the tragedy based on eyewitness accounts. Find out how the past affects the present this Thursday on Case Unclosed airing after Saksi.
Mahigit tatlong daang tao ang nalibing nang buhay nang gumuho ang bundok ng basura sa Payatas walong taon na ang nakalilipas. Bagama’t mahabang panahon na ang nagdaraan, hanggang ngayon ay wala pa ring napananagot sa insidente. Pakinggan ang pahayag ni dating QC Mayor Ismael Mathay at iba pang mga opisyal ng pamahalaan tungkol sa kung sino ang dapat managot sa trahedya. Samahan si Kara David sa pagsiyasat kung bakit sa kabila ng utos ng dalawang Pangulo ng Pilipinas na ipasara ito ay nananatili pa ring bukas ang Payatas dumpsite. Paano kaya hinahati ang 2.1 billion pesos na kinikita ng dumpsite kada taon? May iba pa bang tambakan ng basura na nanganganib matulad sa malagim na sinapit ng Payatas dumpsite? Mula sa malikhaing isip ni indie director Eli Balce, tunghayan ang pagsasadula sa malagim na trahedya noong July 10, 2000 base sa kuwento ng mga naulila. Alamin ang mga sinasabing dahilan kung bakit gumuho ang bundok ng basura. Alamin kung paano naaapektuhan ang buhay natin ngayon ng mga pangyayari ng kahapon ngayong Huwebes sa Case Unclosed pagkatapos ng Saksi.
Tags: caseunclosed