ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sine Totoo presents Imbestigador's shabu lab exposé
Episode on February 28, 2009 Saturday, 11:30 p.m. This Saturday, Sine Totoo host Howie Severino discusses how well thought-out shooting and editing techniques affect the overall outcome of a video production. Sine Totoo showcases Imbestigador's 8th Anniversary special on a drug bust, produced after weeks of surveillance. In a remote area in Real, Quezon, Imbestigador found a crude, warehouse-like structure surrounded by barbed wire. The soil around the building had turned reddish and the plants were dying. According to an asset, the warehouse was actually a shabu laboratory. A long period of surveillance confirmed that the laboratory was indeed operated by five members of one of the biggest drug syndicates in Taiwan who had long been on the wanted list of the PDEA. This laboratory produced 70 kilos of shabu every three days. Imbestigador managed to take exclusive hidden camera footage of the suspects preparing the chemicals needed to make a batch of shabu. The PDEA, along with members of the Philippine National Police and Armed Forces of the Philippines, eventually raided the laboratory and arrested the five suspects . with the help of Mike Enriquez and his Imbestigador crew. How all the planning and action was shot and edited using innovative visual techniques into a single Imbestigador episode is revealed by Howie Severino this Saturday night, only on Sine Totoo.
Ngayong Sabado, ibabahagi ni Howie Severino ng Sine Totoo ang kahalagahan sa video production ng planado at mahusay na pagsho-shoot at page-edit, sa pagtatanghal ng 8th Anniversary Drug Special ng programang Imbestigador. Sa isang liblib na lugar sa Real, Quezon, natagpuan ng Imbestigador ang isang bodegang yari sa yero na binabakuran ng barbed wire. Namumula ang lupa sa paligid nito at namamatay na ang mga halaman. Ayon sa isang asset, ang bodega raw ay laboratoryo ng shabu. Matapos ang ilang linggong pagmamanman, napatunayang laboratoryo nga ang bodega na pinatatakbo ng limang miyembro ng isa sa pinakamalaking sindikato ng ipinagbabawal na gamot sa Taiwan. Kasama ang mga ito sa wanted list ng PDEA. Pitumpung kilo ng shabu ang ginagawa sa lab bawat tatlong araw. Sa isa na namang matapang na operasyon, ipinasok ng Imbestigador ang kanilang hidden camera at nakunan ang lima habang inihahanda ang mga gamit at kemikal sa paggawa ng shabu. Ni-raid ang laboratoryo ng PDEA, kasama ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, at inaresto ang mga suspek . Nagawa ang pagsasara ng laboratoryo sa tulong ni Mike Enriquez at ng kanyang Imbestigador team. Mapapanood ang shabu lab expose na ito, at malalaman ang matinding pagpaplano sa likod ng pagbuo ng storya, sa Sine Totoo ngayong Sabado nang gabi.

Tags: sinetotoo
More Videos
Most Popular