ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Jailbreak
Episode on March 19, 2009 Thursday night after Saksi March 14, 2005, 6:30 a.m. A suspected member of the Abu Sayyaf was scheduled to be brought to court for an early hearing. Just as handcuffs were about to be put on him, he grabbed the jail guard's firearm and shot at other prison officers. Other imprisoned members of the Abu Sayyaf immediately got out of their cells, armed themselves and barricaded the second floor of the building at Camp Bagong Diwa in Bicutan where they were incarcerated. A day later, the rebels still held the prison building under siege. Then DILG Secretary Angelo Reyes gave the Abu Sayyaf members a 15-minute non-extendable deadline to surrender. The rebels held their ground so the order was given for authorities to storm the building. Almost two hours passed before authorities took control of the building. Twenty-two Abu Sayyaf members died in the encounter including Kumander Robot, Kumander Kosovo and Kumander Global, officers of the rebel group. Although the rebels' plan to escape was successfully thwarted, authorities still received criticism for their attack. They were accused of "overkill." Join Arnold Clavio as he investigates what happened in what has been called the "bloodiest jailbreak" in the Philippines. Watch a dramatization of events directed by indie fight choreographer Sasi Casas based on interviews with DILG Secretary Angelo Reyes and the former jail warden and the negotiator on the longest 29 hours in recent history. Is there truth to the allegation against the authorities? Don't miss Case Unclosed with Arnold Clavio this Thursday after Saksi.
March 14, 2005, a las sais y media ng umaga. Nakatakdang dalhin sa korte ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf para sa pagdinig sa kaniyang kaso. Bago pa man siya maposasan para mailabas ng kulungan, inagaw ng rebelde ang armas ng isang jail guard at pinaputukan ang mga bantay. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Kinuha ng iba pang presong Abu Sayyaf ang mga baril ng mga guwardiya at binarikadahan ang buong ikalawang palapag ng gusaling kanilang kinapipiitan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan. Kinabukasan, hindi pa rin sumusuko ang mga rebelde kaya binigyan na ni noo'y DILG Secretary Angelo Reyes ng 15-minute non-extendable deadline ang mga preso. Nagmatigas ang mga rebelde kaya't ibinaba na sa mga awtoridad ang go signal na sugurin ang gusali. Halos dalawang oras ang dumaan bago muling nabawi ng puwersa ng mga pulis ang gusali. Dalawampu't dalawang miyembro ng Abu Sayyaf ang namatay sa ginawang paglusob kasama ang mga opisyal ng rebeldeng grupo na sina Kumander Robot. Kumander Kosovo at Kumander Global. Bagama't matagumpay na napigilan ang mga rebelde sa kanilang layunin, tumanggap pa rin ng batikos ang mga awtoridad. "Overkill" daw ang nangyari sa kanilang pakikipag-sagupa. Samahan si Arnold Clavio na balikan ang mga pangyayari sa tinaguriang "bloodiest jailbreak" sa Pilipinas. Pakinggan rin ang mga salaysay ni dating DILG Secretary Angelo Reyes at ng ilang karakter sa insidente kabilang ang dating warden ng kulungan at ang negosyador na pumagitna sa mga awtoridad at rebelde. At sa isang pagsasadula dinirihe ni indie fight choreographer Sasi Casas, tunghayan ang mga naganap sa pinakamahabang dalawampu't siyam na oras sa ating kasaysayan. May basehan nga ba ang alegasyon laban sa mga awtoridad? Ang mga tanong ng kahapon... sisiyasatin ngayon sa Case Unclosed kasama si Arnold Clavio. Huwebes ng gabi, pagkatapos ng Saksi.

Tags: caseunclosed
More Videos
Most Popular