ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bocaue tragedy


Airing on April 2, 2009 Thursday night after Saksi The tradition started in 1850 when a black cross was found floating in a river in Bocaue, Bulacan. Since then, a replica of the cross placed on a pagoda is paraded in the river every first Sunday of July. Thousands attend the celebration every year. On July 2, 1983, tragedy struck when around 500 people, way beyond its capacity, rode the pagoda causing it to sink killing more than two hundred people. Listen to Letty Santos recount how she survived the incident that killed her daughter. And under the helm of indie director J. Pacena, watch a dramatization of the heroism of Sajib, the boy who swam to the pagoda again and again and managed to save six lives at the expense of his own. After the incident, two other pagodas used in fiestas in Leyte and Pampanga sunk and caused the death of many, proving that people did not seem to learn anything from what happened in Bocaue. And, despite hundreds of lives lost, no one seems to have been made accountable for the tragedies. Join Arnold Clavio investigate questions of the past on Case Unclosed this Thursday after Saksi.
Nagsimula ang tradisyong ito nang may matagpuang lumulutang na itim na krus sa isang ilog sa Bocaue, Bulacan noong 1850. Ngayon, kada unang Linggo ng buwan ng Hulyo, ipinaparada ang replika ng krus sa ilog sakay ng isang malaking pagoda. Libo-libo ang dumarayo sa lugar para daluhan ang parada. Ngunit noong July 2, 1983, ang pagpapakita ng debosyon, nauwi sa bangungot. Ang pagoda kung saan isinakay ang mga banal na imahe ay lumubog nang sakyan ng humigit-kumulang limandaang tao na lagpas sa kapasidad nito. Dahil sa nangyari, mahigit dalawandaan ang nasawi. Balikan ang mga pangyayari noong gabing lumubog ang pagoda. Pakinggan ang salysay ni Letty Santos na bagama't nakaligtas ay namatay naman ang anak at talong pamangkin. At sa direksyon ni indie filmmaker J. Pacena, tunghayan ang pagsasadula sa kabayanihan ng batang si Sajid na matapang na nagpabalik-balik sa lumulubog na pagoda para makapagligtas ng anim na bata kahit ang naging kapalit nito'y sarili niyang buhay. Matapos ang malagim na nangyari sa Bocaue, dalawa pang pagoda na ipinarada sa mga piyesta sa Leyte at Pampanga ang lumubog at naging sanhi rin ng maraming kamatayan. Patunay na tila walang aral na iniwan ang bangungot sa Bocaue. At sa dami ng namatay, mayroon bang nanagot sa mga trahedyang ito? Ang mga tanong ng kahapon, sisiyasatin ngayon sa Case Unclosed kasama si Arnold Clavio. Huwag itong palalampasin sa darating na Huwebes, pagkatapos ng Saksi.
Tags: caseunclosed