ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Rizal: Kristong Kayumanggi?
Episode on May 7, 2009 Thursday night after Saksi Dr. Jose Rizal is known to be the Philippines' national hero. To some Filipinos, however, he is more than that. They consider Rizal to be the "Kristong Kayumanggi" or the "Brown Christ". Get to know the Sagrada Familia, a group in Calamba, Laguna whose members worship Rizal. What did Rizal do that they consider worthy of veneration? Are there similarities to his teachings and to how he lived his life to the teachings and life of Christ? Meet another group of Rizalistas in Dolores, Quezon who believe Dr. Jose Rizal to still be alive and just waiting for the right time to stage his second coming. What does the Catholic Church have to say about the Rizalistas? How does one of Rizal's descendants, Gemma Cruz-Araneta feel that her ancestor is being worshipped. Under the helm of indie director Ruelo Lozendo, watch a dramatization of events that are said to have led to our national hero being considered as Christ. Don;t miss Case Unclosed Kasama Si Arnold Clavio this Thursday, after Saksi.
Kilala si Dr. Jose Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas. Ngunit para sa ilang Filipino, hindi lang bayani si Rizal kundi ang banal na Kristo. Siyasatin ang samahang Sagrada Familia sa Calamba, Laguna na sumasamba kay Rizal. Bakit nga ba ganito ang kanilang pananampalataya? Ano para sa kanila ang ginawa ni Rizal noong siya'y nabubuhay pa para maging dahilan ng kanilang pagsamba sa kaniya ngayon? May pagkakahawig ba sa buhay at mga itinuro ni Rizal sa mga aral ni Hesukristo kaya inihahambing siya dito? Kilalanin rin ang isang grupo ng mga Rizalista sa Dolores, Quezon na kumikilala kay Dr. Jose Rizal bilang pangatlong persona. Para sa kanila, buhay pa ito hanggang ngayon at naghihintay lang ng tamang oras para sa pangalawa niyang pagbabalik. Ano ang pananaw ng Simbahang Katoliko tungkol sa paniniwala ng mga Rizalista? Ano ang masasabi ng isa sa mga apo ng ating pambansang bayani na si Gemma Cruz-Araneta tungkol sa pagsamba sa kaniyang ninuno? Sa direksyon ni indie filmmaker na si Ruelo Lozendo, tunghayan ang pagsasadula sa mga pangyayaring sinasabing naging daan para ituring na banal ng ilan ang ating pambansang bayani. Huwag palampasin ang Case Unclosed Kasama Si Arnold Clavio ngayong Huwebes, pagkatapos ng Saksi.

Tags: caseunclosed
More Videos
Most Popular