ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Happyland pilot episode


Episode on June 6, 2009 Saturday, 9:30 a.m. Locally-produced educational children’s shows are so rare these days you can count them on the fingers of one hand. The era of childhood favorites Batibot, 5 and Up or Sineskwela airing on a daily basis has long since passed, replaced by foreign anime and cartoons with entertainment rather than education as their primary goal. This lack of edifying children’s programs compounds the shortage of public early childhood care and development institutions in the Philippines. The United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) ‘Education for All by 2015’ report states that pre-primary education in the Philippines is available only to 41% of the total population, as most pre-schools are privately owned and concentrated in highly urbanized areas. This overwhelming need challenged GMA’s award-winning News and Public Affairs Group to produce a definitive pre-school education program with the objective of shaping a whole new generation’s viewpoint. The result: Happy Land, a children’s program that inspires young viewers to discover happiness despite the bad things in life. In a poverty-stricken tenement, Anna and Buboy -- children of OFW parents -- discover a portal to Happy Land, a fantasy world where knowledge thrives and problems are systematically solved. The show follows the lives and exploits of Anna and Buboy as they meet the different residents of the tenement -- including a Muslim and Visayan families -- and discover a fantasy world through a magical junk shop inside the compound. Through Anna and Buboy’s story, the show intends to present reality to child viewers -- discussing social issues with no pretense or sugarcoating. Happy Land also seeks to address the issue of OFW-ism by helping its main characters cope with OFW parents, and hopes to impart Filipino values and character education to both children and adult viewers. Combining animation, digital technology, and live-action photography, Happy Land hopes to bring children to a new level of TV viewing. Aside from the narrative, the show will also teach basic pre-school subjects like Language and the Alphabet, Math, Science, and General Knowledge through independent segments. Two adorable kids lead Happy Land’s cast of characters. Nine year- old Patricia Gayod plays Anna, Buboy’s loving sister who acts as a mother to Buboy while their Nanay works as a domestic helper in Hongkong. Meanwhile, six-year-old Jermaine Ulgasan plays Buboy, a quick-witted kid who’s very dependent on his older sister. True to real life, Jermaine is a son of an OFW parent. His father works as an engineer in Saudi. Public Affairs host Love Añover plays Ate Belle, the tenement’s friendly repairwoman who can mend everything from broken irons and refrigerators to broken hearts and dreams. Veteran theater and TV actress Joy Viado joins the cast as Tita Auring, Anna and Buboy’s strict but loving aunt. Completing the main cast is an animated creature: Mingming, the tenement’s resident black cat who will lead the children on their journey through Happy Land. Kid viewers will also get the chance to meet “Bulatelino," an intelligent, talking earthworm who will teach kids anything and everything about Science. Youngsters also get to learn more about geography as Popoy and Cocoy, Happy Land’s mice duo, bring them to all sorts of places through their segment “Mga Dagang Gala." Happy Land is directed by acclaimed film and television director, Bb. Joyce Bernal. Discover happiness, learn new things, and have fun all at the same time as the newest addition to GMA News and Public Affairs’ roster of award-winning programs airs this June! Happy Land's pilot episode airs Saturday, June 6, from 9:30 – 10:00AM.
Mabibilang na lang ngayon sa daliri ng isang kamay ang mga pambatang programa na mapapanood ngayon sa telebisyon. Lipas na ang panahon kung kailan namayagpag sa ere ang mga programa gaya ng Batibot, 5 and Up at Sineskwela, na nagsilbing guro sa telebisyon ng mga batang manonood. Napalitan ang mga ito ng mga anime at cartoons na ang tanging layunin ay magbigay lang ng mapaglilibangan. Sa ngayon, kulang na kulang din ang mga pampublikong institusyon na nakatutok para sa mga batang nasa edad 4-7, ang tinatawag na early childhood. Ayon sa report ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) na “Education for All by 2015," halos 41% lang ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang nabibigyan ng pagkakataong makakuha ng pre-primary education dahil karamihan sa mga eskuwelahan dito, kung hindi pribado ay nasa mga siyudad at urban areas lamang. Ang napakalaking pangangailangan sa pagsusulong ng edukasyon para sa early childhood ang nagtulak sa GMA News and Public Affairs Group na gumawa ng isang programang nakatuon sa pre-school education na may layuning humubog sa prinsipyo at paningin ng isang buong henerasyon ng mga batang manonood. Ang resulta: ang Happy Land, isang pambatang programang magsisilbing inspirasyon para sa mga bata na hanapin ang kasiyahan sa kabila ng mga pangit na bagay na nangyayari sa kanilang mga buhay. Sa isang junk shop ng isang lumang tenement, madidiskubre nina Anna at Buboy, mga anak ng isang OFW, ang isang lagusan patungo sa Happy Land, isang mundo ng pantasya na hitik sa kaalaman at kung saan lahat ng problema’y maayos na nabibigyan ng solusyon. Masusundan natin ang buhay nina Anna at Buboy sa kanilang paglilibot sa tenement at makikilala ang mga residenteng bumubuo sa kanilang komunidad, gaya ng pamilyang Muslim at Bisaya na magiging kaibigan ng ating dalawang bida. Sa pamamagitan ng kuwento ng buhay nina Anna at Buboy, ipapakita at ipaliliwanag ng Happy Land ang reyalidad at mga isyu sa ating lipunan ngayon na madalas hindi ipinapaliwanag sa mga bata, gaya ng sitwasyon ng mga naiiwang pamilya ng mga kababayan nating OFW. Layunin din ng programa ang makapagturo sa mga manonood, bata man o matanda, ng mga mabubuting asal at magagandang kaugaliang Pilipino. Sa pagsasama ng animation, digital technology at live-action shoots, nais itaas ng Happy Land ang antas ng children’s television sa Pilipinas at mabigyan ang mga manonood ng isang panibagong programang kanilang mamahalin at kagigiliwan. Bukod sa kuwento nina Anna at Buboy, magtuturo rin ang Happy Land ng mga panimulang pre-school subjects gaya ng Language at Alpabeto, Math, Agham at General Knowledge. Pangungunahan ng dalawang cute at matatalinong bata ang mga tauhang bumubuo sa Happy Land. Ang siyam na taong gulang na si Patricia Gayod ang gaganap bilang si Anna, ang mapagmahal na kapatid ni Buboy na siya ring nanay-nanayan niya dahil nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong ang kanilang ina. Ang anim na talong gulang naman na si Jermaine Ulgasan ang gaganap bilang Buboy, ang makulit na bunsong kapatid ni Anna. Sa totoong buhay, anak ng isang OFW si Jermaine. Engineer sa Saudi ang kanyang ama. Ang Public Affairs host na si Love Añover ang gaganap bilang Ate Belle, ang repairwoman ng tenement na kayang kumumpuni ng mga sirang gamit, at bumuo ng mga pira-pirasong pangarap. Ang beteranang aktres sa teatro at telebisyon naman na si Joy Viado ang gaganap bilang Tita Auring, ang istrikto ngunit mapagmahal na tiyahin ng dalawang bata. Para kumpleto na ang cast, isang animated na karakter ang mapapanood at kagigiliwan ng mga bata! Si Mingming, ang kinatatakutang itim na pusa sa tenement na siyang magdadala kina Anna at Buboy patungo sa Happy Land. Makikilala rin ng mga batang manonood si “Bulatelino," ang madaldal at matalinong bulate na may kakayahang magsalita at magturo ng kahit anong tungkol sa Siyensiya! Kung Geography naman ang usapan, nandiyan sina Popoy at Cocoy, ang “Mga Dagang Gala" ng Happy Land na magdadala sa mga manonood sa lahat ng sulok ng Pilipinas! Sa ilalim ng direksyon ng respetadong direktor sa pelikula at telebisyon na si Bb. Joyce Bernal, tuklasin ang saya at matuto ng mga bagong kaalaman ngayong Hunyo sa pinakabagong miyembro ng mga award-winning shows ng GMA News and Public Affairs! Mapapanood ang pilot episode ng Happy Land sa June 6 sa parehong timeslot, dito lang sa GMA-7.
Tags: happyland