ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
New Life for May Vecina and the lives of OFWs as Transients
Episode on July 3, 2009 Friday ngiht after Saksi New Life for May Vecina May Vecina, a domestic helper in Kuwait, was sentenced to death by hanging last 2007. This was because she killed the child of her employer after she was starved, maltreated and imprisoned in the house by the former. After negotiations, her sentence was reduced to life imprisonment last July 2008. On June 01, 2009. she was granted full pardon that's why this Tuesday she was able to return home to the Philippines. She brought with her the experiences of working in Kuwait as well as life in prison there. May starts a new life together with her family in Cotabato. The Life of OFWs as Transients Working abroad comes with their own unique stories. But even before an OFW leaves, there are already many stories hidden in the walls of their transient houses. Just like in this half way house in Manila were aspiring OFWs who come from far-flung areas stay. Sixty-year old Mang Flori is processing his papers so he could return to work as a seaman. He has been staying for two months already in the said transient house. He is already one of the longest-staying residents there since he is having a hard time returning to work because of his age. But he still has not given up on landing a job somewhere. Arceli, on the other hand, has recently lost her job as a domestic helper in Hong Kong. Her contract was terminated only one month after she started working so she couldn't send any money back to her family in Mindanao. She is still looking for a job now while staying at the transient house. Join Kara David and get to know the stories this Friday in OFW Diaries, immediately after SAKSI!
Bagong buhay ni May Vecina Hinatulan ng bitay si May Vecina, isang domestic helper sa Kuwait noong 2007. Ito ay matapos niyang mapatay ang anak ng amo niya dahil hindi siya pinakakain, minamaltrato at kinukulong pa sa bahay. Matapos ang pakikipagnegosasyon sa kaniyang kaso, ibinaba ang hatol sa habambuhay na pagkakabilanggo noong July 2008. At nitong June 01, 2009, ipinagkaloob sa kanya ang full pardon kaya nitong Martes, nakauwi na siya ng Pillipinas. Baon niya ang mapait na karanasan sa pagtatabaho sa Kuwait at ang buhay sa kulungan. magisismula ng panibagong buhay si May sa piling ng kaniyang pamilya sa Cotabato. Buhay-transient ng mga OFW Ang bawat pangingibang bansa ay may baong kuwento. Pero bago pa man mangibang bansa ang OFW, marami nang mga istoryang nakatago sa kanilang paghihintay. At ang iba sa kanila, ang nagiging kanluangan ay ang mga transient house sa Maynila. Ito ang halfway house ng mga nag-aapply mangibang bansa na nakatira sa malayong probinsya. Tulad ng anim na pung taong gulang na si Mang Flori, naglalakad siya ng mga papeles para muling makasampa sa barko. Dalawang buwan na siyang nanunuluyan sa transient house. Isa na siya sa pinakamatagal dito dahil nahihirapan siyang muling makasampa pa sa barko dahil sa kaniyang edad. Pero hindi pa rin siya tumitigil maghanap ng mapapasukan. Si Arceli naman ay kakatanggal lang sa trabaho bilang domestic helper sa Hong Kong. Isang buwan pa lang siya ng ma-terminate kaya wala siyang pera na maibibigay sa kaniyang pamilya na nasa Mindanao. Naghahanap siya ng tabaho ngayon na mapapasukan kaya nasa transient house pa siya. Samahan si Kara David na alamin ang kanilang mga kuwento ngayong Biyernes sa OFW Diaries, pagkatapos ng Saksi!

Tags: ofwdiaries
More Videos
Most Popular