ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Filipina in Britain's Got Talent" and "Exploited OFW in Saudi Arabia"
Episode on September 25, 2009 Friday night, after Saksi A Filipina in Britain's Got Talent One more OFW has again proven the talent of Filipinos in singing. This is after she joined and successfully entered the semi-finals of the UK reality show " Britain 's Got Talent". She is Madonna Decena, a singer from Manchester , United Kingdom . She was received warmly by the audience as well as the judges. Even the strictest of the judges, Simon Cowell, appreciated her singing. It was 2006 when she left her children to venture to the UK . She left behind two children in the Philippines so she may earn enough and send money to them. For three years, she sang in many bars, hotels and events in manchester . When she heard of auditions for Britain âs Got Talent, she didn't think twice in trying her luck. She is the first ever Filipina to enter the prestigious talent search and land herself up to the semi-finals. Madonna returns home and shares her experiences in Britain to Kara. Exploited OFW in Saudi Arabia An OFW was reported to have been gang-raped in Hafar Al Batin, Saudi Arabia just recently. While she was in a dental clinic where she worked as a janitress, her mouth was muffled until she fainted after which men took turns raping her. Because of fear, she kept the incident a secret. But this September, her employer noticed several changes in her. She was obliged to see a doctor where she found out that she was pregnant. Because of this, she was immediately arrested and jailed. Until now, she languishes in jail. Her case is now being appealed by her family.
Pinay sa Britain 's Got Talent Isang OFW ang muli na namang nagpatunay ng galing ng mga pinoy sa pagkanta. Ito ay matapos siyang sumali at makapasok sa semifinals ng isang reality show sa UK na " Britain 's got talent". Siya si Madonna Decena, isang mang-aawit sa Manchester , United Kingdom . Mainit ang naging pagtanggap sa kaniya ng mga manonood at judges. Maging ang mahigpit na judge na si Simon Cowell nagustuhan ang kaniyang pagkanta. Taong 2006 nang magpasyang iwan ang mga anak at subukin ang kapalaran sa United Kingdom . Iniwanan niya ang dalawang anak sa Pilipinas para kumita at mapadalhan sila ng kaniyang kita. Sa loob ng tatlong taon, kumakanta siya sa iba't ibang bar, hotel at mga event sa Manchester . At nang mabalitaan ang audition sa Britain 's got talent, hindi na siya nagdalawang isip. Siya ang kauna unahang Filipinang nakapasok sa prestihiyosong talent search at nakapasok sa semi finals. Nagbalik-bayan si Madonna at ikinuwento niya kay Kara ang kaniyang karanasan sa Britain . Pinagsamantalahang OFW sa Saudi Arabia Isang OFW ang nabalitaang na- gang rape sa Hafar Al Batin, Saudi Arabia kamakailan. Habang nasa dental clinic na pinagtatrabahuan niya bilang janitress, tinakpan ang kaniyang bibig ng panyo hanggang sa mahilo atsaka siya hinalay umano ng ilang kalalakihan. Dahil sa takot, inilihim niya ang nangyari. Pero nitong Setyembre, napansin ng kaniyang amo ang ilang pagbabago sa kaniya at inobliga siyang magpatingin sa doctor at nalaman na siya ay buntis. Dahil dito, agad siyang ipinahuli ng kaniyang amo at ipinakulong. At hanggang sa kasalukuyan ay nakakulong siya. Ang kaniyang kalagayan ang inaapila ng kaniyang pamilya. Samahan si Kara David at panoorin ang kanilang mga kuwento ngayong Biyernes, pagkatapos ng Saksi! Join Kara David and witness their stories this Friday after SAKSI!

More Videos
Most Popular