ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Hot air balloon, base jumping, game cheats, and bee farm
Episode on February 20, 2010 Saturday, 9:00 AM Sabado morning na naman! Tambay-mode na naman tayo kasama ang coolest teen barkada sa buong planeta! HOT AIR BALLON FESTIVAL Gusto niyo bang lumipad? Sama na kayo kay Ka-Blog Andrea sa pagdalo niya sa 15th Hot Air Balloon Festival sa Pampanga. Bukod sa pagsakay sa isang hot air balloon, makiki-join din si Andrea sa larong âBalloon Bursting" kung saan pinapaputok ang mga lobo sa ere gamit ang propeller ng eroplano?!! Kakaiba yun diba? Tiyak na sasabog ang dibdib natin sa excitement at kaba! BASE JUMPING Ibang activity naman ang ipapakita sa atin ni Ka-Blog Monica! Narinig niyo na ba ang tinatawag na Base Jumping? Sa extreme sport na ito, kailangan tumalon mula sa tuktok ng isang 42-storey building! So take a deep breath and get ready to jump! GAME CHEATS 2010 Pagkatapos natin lumipad at tumalon, sasamahan naman natin si Ka-Blog Mico gawin ang kanyang importanteng misyon! Aalamin niya para sa atin ang mga latest technique para maging astig player ng console at online games. Ilista niyo na ang mga âgame cheats â na madidiskubre ni Mico at tiyak na magiging kampeon kayo ng Katamari, Bayonetta at Dragon Age Origin! BEE FARMER FOR A DAY Aba! May isa pang activity si Andrea! Magpapaka-busy ang pretty host natin bilang isang Bee Farmer sa Lipa, Batangas.Mawalan kaya siya ng poise sa pangunguha ng pagkatamis-tamis na honey? Punong-puno ng excitement at aksyon ang episode ng Ka-Blog! Kaya kita-kits tayong lahat sa coolest teen tambayan ngayong Sabado, 9am sa GMA 7!
More Videos
Most Popular