ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"OFWs Gone Crazy"
Episode on September 17, 2010 Friday after Saksi! MGA NABALIW NA OFW Ayon sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration buwan-buwan may bumabalik na OFW sa Pilipinas na nawawala sa katinuaan. Umuuwing baliw! Kaya nagmungkahi noon ang Department of Foreign Affairs na magkaroon ng mandatory psychiatric testing sa mga papaalis na OFW. Ngunit hindi ito natuloy. Ngayon patuloy pa rin ang kaso ng ilang mga OFW na nakabalik dito sa Pilipinas na imbes na sa bahay ang tuloy sa mental hospital dumideretso. Isa na rito si "Anna" apat na buwan ng naglalagi sa isang Mental Institution sa Mariveles, Bataan. Si Anna sana ang inaasahan ng kanyang pamilya para mag-ahon sa kanila sa hirap. Pero ngayon kayod kabayo pa ang kanyang mga kamag-anak para matustusan ang mga gamot na kinakailangan niya. Ngunit mas kalunos-lunos ang nangyari kay "Lea", dating entertainer sa Japan. Ang nagsisilbing entablado niya ngayon ay ang isang plaza sa Bulacan. Dito siya nakikitang pagala-gala at tila may sariling mundo! Ano ang dahilan ng pagkabaliw ng ilan nating mga kababayang OFW? Tunghayan ang kwento ng buhay nina "Anna" at "Lea" at ang kanilang mga paghihirap sa OFW Diaries , Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi.
More Videos
Most Popular