ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
PINOY HOLLYWOOD HIPHOP DANCERS!
Episode on November 26, 2010 Friday after Saksi! MGA BATANG HOLLYWOOD HIPHOP DANCERS: ANJELO LIL DEMON AT ANG FUTURE FUNK! Si Anjelo Baligad mas kilala bilang "Lil Demon", sa murang edad na 9 na taon lumabas na sya sa mga sikat na shows sa Amerika tulad ng "Ellen DeGeneres Show", "So You Think You Can Dance" at "The Mouray Show"! Ngunit mas nakita ang galing ni Angelo nang humataw siya sa pelikulang "STEP UP 3D". Ang siyam na taong gulang naman na si Bailey Munoz at limang taong gulang na si Miles Brown 5 years, gumagawa na rin ng pangalan sa mundo ng Hip Hop abroad. Sila ang duo na kung tawagin ay "Future Funk" nakapasok sila sa semi finals ng talent show na " America 's Got Talent"! at kasama sila ngayon sa pinakabagong music video ng international RNB singer at songwriter na si Chris Brown. PROJECT P-NOISE! 1980's sumikat ang breakdancing o b-boying sa Pilipinas. Ngunit kumpara sa ibang bansa, napag-iiwanan na raw ang ating mga dance moves. Pero sa kauna-unahang pagkakataon, tatlong Pinoy ang naging representative ng bansa sa katatapos lamang na R16 Bboy Battle Competition Worldwide. Ito ang isa sa pinakamalaking B-boy competitions sa buong mundo kung saan 16 na bansa ang naglaban-laban. May pag-asa kayang manalo an gating mga pambato? Abangan ang nakakatuwa't nakakabilib na paghataw ng mga Pinoy dancers sa OFW Diaries ni Kara David ngayong Biyernes pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
More Videos
Most Popular