International Tattoo Artists and World-Class Jeweler!
hEpisode on January 7, 2011 Friday after Saksi! SA IKA-90 EPISODE ng NATATANGING PROGRAMA ng mga BAGONG BAYANI ng BAYAN: Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging maka-sining. Patunay rito ang mga makukulay na palamuti na minana pa natin sa ating mga ninuno. Mga palamuting nagsilbing tatak-Pinoy, tatak ng ating mayamang kultura. WORLD-CLASS PINOY JEWELER Sadyang naging maningning ang buhay ng isang kababayan natin sa Amerika dahil sa kanyang mga kamay dumadaan ang disenyo ng mga alahas abroad! Ang mga mamahaling bato at ginto, kanyang papagandahin pa upang maging kuwintas, pulseras, singsing at iba pa! Kilalanin ang makulay na buhay ni Reagan Rada! INTERNATIONAL PINOY TATTOO ARTIST
Tinalikuran niya ang pagiging engineer sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) para maging isang tattoo artist, ito ang nakaguhit sa mga palad ni Chris Garcia!
Mula sa mga malilikot na imahinasyon ay nabuhay ang mga disenyong nagmarka sa mga international artists tulad nina Miley Cyrus at Brandon Vera. Dito sa Pilipinas, nagsilbing canvass naman ang katawan ng kanyang kapatid. Si Jamir Garcia, band vocalist ng Slapshock, ang isa sa mga kauna-unahang natattoo-an ni Chris. Katulad ni Chris, si Dyani Lao ay isa ring Pinoy tattoo artist na ipinamalas sa Hong Kong Tribal Gear ang kanyang angking galing!
Abangan ang mga kwentong may tatak-Pinoy sa OFW Diaries, ngayong Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi!