ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

PHILIPPINE TREASURES ngayong September 11 sa SNBO!


Mahirap na bansa ang Pilipinas. pero ang kabalintunaan nito. marami tayong mga natatagong kayamanan! At ang ilan sa mga ito. natuklasan na! Sa katunayan, ang ilan sa mga gintong alahas na props sa epic-serye na Amaya, binase sa mga gintong kagamitan ng ating mga ninuno na makikita sa Gold of Ancestors Exhibit ng Ayala Museum. Ngunit ang nakahukay ng mga gintong kagamitan na ito sa Surigao noong 1981, matapos mag-buhay milyonaryo, balik sa pagsasaka na lang daw ngayon! Samantala nito lamang Hunyo, sa isa namang excavation site sa Boljoon, Cebu, nahukay ang hikaw raw ng isang datu. na maari raw hikaw ni Lapu-Lapu? Mga eksperto mismo ang susuri kung gaano ka-posible ang teoryang ito. Iilan din lang ang nakakaalam na may gintong rebulto pala ng Hindu-Malayan Goddess na si Tara ang natagpuan sa Agusan noong 1917 --- ang Golden Tara. Subalit masisilayan na ito ngayon sa Field Museum sa Chicago sa Amerika. Paano nangyaring nailabas ito ng bansa? At maibabalik pa kaya ito dito sa Pilipinas? Ang ilan namang artifacts kung wala sa mga museo, nasa black market! Ang isa raw mainit na binebenta ngayon sa merkado, mga Maitum Jars na may korte at mukha ng tao na nadiskubre sa isang kweba sa Sarangani noong 1991. At ang bentahan, umaabot daw ng daan-daang libo! Higit naman sa ginto kung ituring ng mga taga-Monreal, Masbate ang dalawang tipak ng bato na sinasabing may nakaukit daw na mga baybayin, o yung mga sinaunang paraan ng pagsusulat ng ating mga ninuno. Ngunit ano nga ba ang mensaheng nakasulat sa mga batong ito? At bakit ang mga residente rito, nagdadalawang isip pa kung ipagkaloob sa National Museum ang mga batong ito? Kumusta na rin ba ang kalagayan ng Pambansang Museo ng Pilipinas? Paano nila pinangangalagaan ang mga mahahalagang pamana ng ating mga ninuno kahit pa kapos sila sa pondo? Sa pangunguna ni Ms. Mel Tiangco, kasama ang mga GMA reporters na sina Cesar Apolinario, Tina Panganiban-Perez, John Consulta at Mariz Umali, sasabak sila sa isang natatanging treasure hunting. mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas hanggang sa Amerika. para tuklasin kung gaano kayaman ang ating kultura. Ito ang dokumentaryong dapat mapanood ng bawat Pilipino. dahil ito ang magmumulat sa atin kung bakit kailangan nating protektahan ang mga yaman ng ating lahi. PHILIPPINE TREASURES! Ngayong Linggo na! 1030pm sa SNBO sa GMA7. _____________ Isn't it ironic how a third world country such as the Philippines turned out to be a treasure trove of priceless artifacts? Even the golden ornaments used in the epic-serye Amaya were based on historical pieces that can be found in the Gold of Ancestors Exhibit at Ayala Museum. For a time, the man who discovered these treasures in Surigao lived a life of luxury. not until his wealth ran out and he went back to farming. Meanwhile, last June, a golden earring believed to be owned by Lapu-Lapu was found in an excavation site in Boljoon, Cebu. Experts visited the area to verify if the piece was really owned by the famed Filipino warrior. Few people also knew about the golden statue of Hindu-Malayan Goddess Tara which was found in Agusan in 1917. However, it is currently displayed in the Field Museum of Chicago in America. Will the Golden Tara ever find its way back to the Philippines? And while some artifacts are kept in museums, some can be found. in the black market! One of the most sought-after is the Maitum Jars of Sarangani. After its discovery in a hidden cave in 1991, sale of these anthropomorphic or human-form jars reach up to hundreds of thousands! In Monreal, Masbate, residents found two slabs of stone with unique carvings. These etchings are known as "baybayin" or ancient form of writings used by our ancestors. But more than decoding the secret messages in these stones, the locals refuse to surrender them to the National Museum. Finally, what is the current state of our National Museum? How do they take care of our national treasures even though they lack financial support? Be part of a one-of-a-kind treasure hunting experience with Ms. Mel Tiangco, and GMA reporters Cesar Apolinario, Tina Panganiban-Perez, John Consulta, and Mariz Umali. Join them in a quest to discover the rich historical and cultural heritage of our nation. PHILIPPINE TREASURES ---- this Sunday, 10:30 pm in GMA 7's SNBO.