ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Weekend Getaway: Calatagan, Batangas
Calatagan, Batangas Airing Date: 04 November 2011 Biyaheng Batangas ngayong Biyernes ang mga barako best friends na sina Aaron at Vic para sa isang fun-filled Weekend Getaway! Sasamahan ni biyaherong Drew Arellano ang ating weekend warriors sa bayan ng Calatagan na kilala sa mga naglalakihang sugarcane plantations. Ang Calatagan ay isa na ngayong paboritong destinasyon ng mga lokal na turista dahil sa lumalago nitong environmental tourism. Una nang bibisitahin ng warriors ang bakawan o mangrove forest sa Isla Ang Pulo na sinasabing may pinakamaraming uri ng bakawan sa Pilipinas. Dito rin nila makukuha ang kanilang unang travel mission--ang magtanim ng limampung punla ng bakawan sa loob ng labinlimang minuto! Kung halos mabali na ang likod ng mag-best friend sa kanilang first travel mission, tila nawala naman ang lahat ng pagod nila sa kanilang wakeboarding lessons sa kauna-unahang wakeboard park sa bansa, ang Lago de Oro. Pero pagkatapos magsaya, agad nang sasabak ang travel buddies sa kanilang Travel Mission Number 2--ang shopping challenge lulan ng motorsiklo. Kailangan nilang makahanap at makapamili sa loob ng labinlimang minuto ng mga pruduktong Batangueno--- kapeng barako, kuyog at bagoong balayan. Isang kakaibigang pamamasyal rin ang naghihintay kina Aaron at Vic sa ilalim ng dagat! Sa kanilang snorkeling adventure, sisilipin nila ang mayamang underwater life ng Calatagan. Papasyalan din nila ang Cape Santiago Lighthouse na mahigit isandaang taon nang nakatayo! Tibay ng dibdib at sikmura naman ang kakailanganin ng weekend warriors sa kanilang huli at pinakamahirap na travel mission. Para masungkit nila ang premyong shopping money worth twenty thousand pesos, isang bakang buntis ang dapat nilang harapin! Ano kaya ang dapat gawin ng ating mga bida sa umeeksenang baka? Abangan ang umaatikabong travel adventures ng ating weekend warriors ngayong Biyernes sa Weekend Getaway, 10 PM sa GMA News
Tags: , batangas
More Videos
Most Popular