ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Summer Skin Disease


Episode airs on April 27, 2007 During the summer months, it is not just the warm and humid temperature that we have to deal with. We also have to watch out against various ailments associated with the summer heat, including skin diseases. This week’s episode of Emergency presents specific cases of skin diseases and takes a look at the efficacy of the newest innovation involving stem cell grafting on damaged skin. SUMMER SKIN DISEASE Tuwing tag-init, mala-impiyerno ang pakiramdam dahil sa matinding init. Pero sa ganitong panahon, bukod sa maalinsangang pakiramdam, ang kalusugan madalas ding naisasaalang-alang. Kasama na rito ang sa balat. Ang mga sanggol na sina Jeric, Brya, kapwa pinapahirapan ng mga butlig na tumutubo sa katawan pagpasok ng tag-init. Makati at nagtutubig ang kanilang mga balat. Mula butlig, hanggang pigsa at skin cancer, isinisisi sa init. Ang iba't- iba pang sakit tuwing tag-init at mga paraan para makaiwas ditto, sisiyasatin ng emergency. PAG-ASA SA NASIRANG BALAT: STEM CELL GRAFTING Nitong October 2006, inulunsad sa bansa ang pinakabagong teknolohiya sa balat, ang Stem Cell Grafting. Ang naturang pamamaraan ay sinasabing makabubuti para sa mga cosmetic at traumatic scars, peklat, keloid, vitiligo at burn. Kaiba sa karaniwang skin grafting, maliit lang na balat ang kinukuha sa apektadong balat. Isasailalim ito sa espesyal na proseso at sa loob lang lima hanggang pitong araw, parang bago na ulit ang balat. Sagot na ng ba ang teknolohiyang ito, para sa nasirang balat?