ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Acne remedies, jaw reconstruction


Episode for June 8, 2007 Friday late night after Saksi Filipinos try different ways in controlling acne. Jessica says she has a secret formula that’s a mix of aspirin and calamansi that she wipes on her face each night. Some resort to even stranger brews like steam from rice being cooked and even menstrual blood in an attempt to rid their faces of pimples. Emergency, led by host Arnold Clavio, gets to the bottom of these unusual purported remedies for acne. Captain Froilan Labador suffered a terrible wound in his jaw in battle. A new operation called distraction osteogenesis offers him hope for reconstructing his shattered face. Watch these stories on Emergency this Friday night on GMA-7.
Gamot sa tigyawat? Pagdating sa tigyawat sa mukha, kanya-kanyang diskarte ng panggagamot ang mga Pinoy para maging flawless ang kutis. Si Jessica, may sikreto raw para maging 'pimple free' ang kanyang mukha! Ang pinaghalong aspirin at kalamansi ang siyang pinapahid niya gabi-gabi. Kamatis, singaw ng sinaing at pati unang regla?! Sagot daw ang mga ito sa mukhang pinuputakte ng tigyawat? Alamin kung tunay nga na may bisa ang mga ito o lalo lang nagpapalala sa problema. Makabagong operasyon sa panga SI Capt. Froilan Labador ay isang magiting na sundalo. Handa siyang ialay ang kanyang buhay para ipagtanggol ang Estado laban sa kanyang mga kaaway. At nito ngang huli, milagrong nakaligtas siya sa isang engkwentro pero nag-iwan ito ng malaking marka sa sundalo. Ang panga ni Capt. Labrador ay nagtamo ng malaking pinsala. Kamakailan ay nabigyan ng pag-asa si Capt. Lobrador. Sa pamamagitan kasi ng isang operasyon na kung tawagin ay Distraction Osteogenesis, maaaring manumbalik ang nawasak niyang mukha. Hindi man tuluyang mabubura ng operasyon ang bakas ng malupit na gyera, ito naman ay magbibigay ng panibagong buhay sa sundalo. Subaybayan ang kwento ng isang magiting na sundalo at ang operasyong pagdaraanan niya para maiayos muli ang sinira ng giyera sa kanya. Panoorin ang mga kuwentong ito sa Emergency sa ika-8 ng Hunyo, Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA-7.
Tags: emergency