ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mameng trade, hospital waste, and sniffing foam


Episode on June 29, 2007 Friday late night after Saksi Mameng Catching the mameng fish (humphead wrasse) has been banned but Emergency found out that the endangered species continues to be caught and sold. Some fishermen in Palawan say they continue the practice because the fish remains popular, especially among foreigners. Will the mameng go extinct? Hospital poison A number of residents in Trece Martires in Cavite province complain that they have been afflicted with new diseases, blaming the burning of hospital waste near their area. Emergency investigates why some hospitals throw their waste at the Cavite dumpsite and its likely adverse effects on the health of residents living nearby. A different high Some young drug addicts in Pasay and Valenzuela have turned to sniffing marker pens and polystyrene foam, saying these are cheap and give a different high. The program finds out the ill effects of sniffing these pens and foam and asks how the practice can be stopped. Watch these Emergency stories this Friday late night after Saksi on GMA.
Mameng Ang Mameng ay isang uri ng isda na ngayon ay kabilang na sa mga endangered species kung kaya mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli nito. Pero napag-alaman ng Emergency na patuloy itong nauubos dahil marami pa rin ang nanghuhuli at nagbebenta ng isdang ito. Hindi kaila sa mga Palawenyo ang pagbabawal sa mameng, pero tuloy pa rin ang pagkalakal nila sa karne ng isda. Masarap at mabenta raw kasi ito lalo na sa mga dayuhan. Tuluyan na nga bang maaubos ang lahi ni Mameng? Lasong iniwan ng ospital Inirereklamo ngayon ng ilang residente ng Trece Martires ang mga naglitawang sakit ng ilan sa kanila. At ang itinuturo nilang dahilan ay ang apat na taon na pagtapon at pagsunog ang ilang hospital waste sa kanilang lugar. Ang mga ito raw ay may dalang nakalalasong kemikal kung kaya may nagkakasakit sa kanila. Aalamin ng Emergency kung paanong nangyaring sa dumpisite nagtatapon ang ilang ospital ng kanilang medical waste at kung ano ang posibleng epekto nito sa kalusugan ng mga taong nakatira sa paligid ng basurahan. Kakaibang tama May bagong kinahuhumalingan ang ilang kabataan sa Pasay at Valenzuela. Ito ay ang pagsinghot ng marker pen at polystyrene foam. Bukod kasi sa mura at madaling mabili, dulot daw nito ay ibang klaseng “tama". Ano ang peligrong hatid ng pagsinghot ng marker pen at polystyrene foam? Paano pupuksain ang ganitong problema kung walang regulasyon ang mga materyales na ito at madali pang bilhin sa merkado? Panoorin ang mga kuwentong ito ng Emergency sa ika-29 ng Hunyo, Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.