ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Good Samaritans


Episode on July 14, 2007 Saturday, 11:30 p.m. Amid the noise and struggles of city life, can people still open their hearts to the needy? Find out this Saturday, as Sine Totoo features Wish Ko Lang’s groundbreaking search for real-life Good Samaritans. Wish Ko Lang conducts a social experiment on the busiest streets of Manila. The show disguises comedian Pekto as a poor man inflicted with elephantiasis. Pekto cannot walk on his own because of a grossly enlarged leg. For days, Pekto sits beside a steep footbridge in Cubao and a bustling streetcorner in Manila, waiting for help in order to cross. The results of his wait are nothing but surprising! Sine Totoo host Howie Severino interviews Philippine television’s fairy godmother Vicky Morales about The Good Samaritans, which was Vicky’s very own episode concept. She shares how the ordinary folk featured on this show inspire her to this very day. Find out exactly what happened on the Good Samaritans episode, this Saturday late night over GMA's Sine Totoo.
Mga Good Samaritan sa Sine Totoo Sa gitna ng magulong buhay sa syudad, handa pa bang tumulong ang tao sa mga nangangailangan? Sa Sine Totoo ngayong Sabado, muling ipalalabas ang episode ng Wish Ko Lang na pinamagatang The Good Samaritans, kung saan hinanap ang mga matutulunging Pilipino. Isang kakaibang eksperimento ang mapapanood sa programang ito. Binihisan ang komedyanteng si Pekto Nacua at nilagyan ng prosthetics. Ipinamukha siyang mahirap na lalaking may sakit na elephantiasis… hindi siya makalakad dahil sa sobrang laki ng isa niyang hita. Sakay ng isang kapirasong kahoy na may gulong, pumwesto si Pekto sa mga matataong bangketa ng Cubao at Maynila. Humanap siya ng mga taong tutulong sa kanya upang tumawid. Itinago ng Wish Ko Lang ang lahat ng kanilang kamera upang hindi mahalata na kinukunan ang mga tao. Ang resulta ng eksperimento … talagang kagulat-gulat! Makakapanayam ni Howie Severino ng Sine Totoo ang nagbuo ng konsepto para sa Good Samaritans episode … ang mismong host ng Wish Ko Lang na si Vicky Morales! Ayon kay Vicky, naging inspirasyon para sa kanya ang mga taong nakilala niya sa palabas na ito. Kaya alamin ang buong istorya sa likod ng The Good Samaritans sa ika-14 ng Hulyo, Sabado ng hatinggabi, sa Sine Totoo ng GMA.