ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Insect food, contact lens, and the Ormoc tragedy


Episode on July 27, 2007 Friday late night after Saksi Eating insects Insects are typically considered pests but in Pangasinan province, there are some types that are caught to be eaten as food. The kuryat and ararawana were once found only in the fields but have now found their way to dining tables. People who eat the insects believe these give them extraordinary strength and vigor. Are these safe to eat? Contact lens Contact lenses helps people with poor eyesight but these require careful handling. In the case of Maureen Larrazabal, her eyes became swollen when she fell asleep with her contact lens on, a big no-no for users. The program presents the proper the use of contact lenses. Typhoon In the third part of Emergency’s series on major natural disasters that have struck the country, the program looks back at typhoon “Uring". Considered one of the worst tragedies in the nation’s history, landslides from Uring’s heavy rains caused the death of more than 5,000 people in Ormoc City, Leyte in 1991. Relative to other typhoons, experts don’t think Uring was that strong and actually, wanton logging in areas surrounding Ormoc may have as much to do with the tragedy. Watch Emergency, hosted by Arnold Clavio, this Friday night after Saksi, on GMA.
Pagkain ng mga insekto Peste kung ituring ng ilan ang insekto. Pero sa Pangasinan, may ilang uri nito ang pinagpipistahan! Ang kuryat at ararawana… Mga insektong sa mga bukirin lang dati makikita pero ngayon, laman na rin sila ng hapag kainan! Naniniwala ang mga parokyano ng mga insekto na nagdudulot ng kakaibang sigla at lakas ang pagkain nila sa kuryat at ararawana! Ligtas naman kaya ito sa kalusugan? Nang dahil sa contact lens Maraming malabong mata na ang natulungan ng contact lens. Bukod kasi sa natutugunan nito ang problema sa mata, mas maginhawa raw itong dalhin kumpara sa ordinaryong eye glasses. Kailangan lang maging masinop sa paggamit ng contact lens. Maaari kasing lumala ang diperensya ng mata o tuluyang mabulag kapag hindi tama ang pagsuot nito. Si Maureen Larrazabal, namaga ang kaniyang mga mata matapos na makatulog na suot pa ang contact lens. Marami pa ang tulad ni Maureen na napahamak ang paningin dahil sa hindi wastong pag-alaga ng contact lens. Kilalanin sila sa Emergency sa Biyernes at alamin kung paano maiiwasan ito. Sa bingit ng peligro: Bagyo Sa ikatlong bahagi ng seryeng, “Sa Bingit ng Peligro", iimbestigahan ang isa sa mga pinaka-malalang bagyo na naranasan ng Pilipinas. Mahigit limang libong buhay ang kinitil nang tinamaan ng Bagyong Uring ang Ormoc City, Leyte noong Nobyembre taong 1991. Ito ang itinuturing na pinakamalalang trahedya dulot ng bagyo sa bansa. Pero kung tutuusin, ayon sa mga eksperto, hindi ganoon kalakas ang Bagyong Uring. Ang tunay na dahilan ng malagim na pangyayari, ang pinagsamang puwersa ng bagyo at ang kalagayan ng lupa sa Ormoc noong mga panahong iyon. Samahan ang Emergency na tuklasin ang ugat ng sakuna sa Ormoc at babalikan ang mga kuwento ng paghihirap at pagbangon ng mga biktima ng bagyo. Panoorin ang mga kuwentong ito ng Emergency, sa pangunguna ni Arnold Clavio, sa ika-27 ng Hulyo, Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.