ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Viral love story nina Julio at Kat, mapapanood sa 'Wagas'


 

Ipinakikilala sina Ashley Ortega at Enrico Cuenca  na parehong sumikat sa isang viral fastfood commercial… isang hindi malilimutang kwento ng pag-ibig na minsang nag-viral din sa social media ang tiyak dudurog sa inyong mga ngayong April 22,  Sabado 7PM sa WAGAS!

Second year high school noon  si Kat noong nakilala niya si Julio na nasa fourth year naman. Love-hate relationship sila noong una.  Lahat ay hindi boto kay Julio para kay Kat dahil daw bad boy ito… bully at hari ng rambulan sa  eskwelahan.

Pero si Kat ang tanging babaeng bumago kay Julio. Hindi sukat akalain ni Julio na magmamahal siya ng ganito. Si Kat ang dumamay kay Julio sa lahat ng pagsubok na dinaanan niya at hindi siya iniwan kahit pa buong mundo’y tila tumalikod na sa kanya. Walong taon silang  naging magkasintahan.

Sa mismong araw kung  kailan magpu-propose na sana si Julio kay Kat, isang trahedya ang magaganap. Mababangga ang motorsiklong sinasakyan ng dalawa at sabay silang babawian ng buhay.

Alam ng mga kaibigan nina Julio at Kat na ang mismong araw ng kanilang kamatayan ay ang araw na sana’y engagement ng magkasintahan at wala silang ibang kahilingan kundi ang makasal, kaya sa kanilang burol binasbasan na lamang sila ng pari sa isang seremonyang mala-wedding in heaven.

Tags: pr, plug, wagas