ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Barkada meals on a budget, titikman ng TOP boys sa 'Good News'


GOOD NEWS: BAGONG GIMMICKS AT BARKADA BUDGET MEALS IN THE METRO, BE LINDOL-READY, AT MANGGA RECIPES

 

Manila Lakwatsa

Naghahanap ba kayo ng nakakaaliw pero swak sa budget na summer activities? Hinalughog ni Bea ang mga sulok ng Maynila para bigyan kayo ng fresh ideas! Sa isang park na Pasig, pwedeng sumubok ng swimming, rappelling, at skatebaording! Kung gusto n'yo naman isali ang ice skating sa listahan, tungo na sa isang mall na ibinibida ang skating rink na gawa, hindi sa ice, kungdi fiberglass. Sa isang bike park, pwedeng matutunan ang trail biking--mapa-indoors man o outdoors!

 

 

Barkada Food Trip

Ngayong bakasayon, masarap gumimik kasama ang barkada! Kaya naman hinunting ng TOP One Project ang mga kainan kung saan pwede kayong magpakabusog nang hindi nabubutas ang bulsa! Subukan ang Batangas lomi na sagana sa sahog at pwedeng paghatian ng limang tao. Kung gusto n'yo naman ng matinding kainan, sugod na sa nadiskubre naming kainan na handog ang bila-bilaong pagkain na pinagbibidahan ng Iloilo chicken inasal!

 

Ready, Get Set, Go Bag!

Kamakailan, sunod-sunod ang mga lindol--paalala na dapat handa tayo sa mga sakuna. Para tulungan tayong maging ligtas, tuturuan namin kayong gumawa ng “go bag” o emergency kit mula sa lumang lalagyan ng tubig at sako. Sa ganitong paraan, makakatipid na kayo, sigurado pang ligtas ang survival kit n'yo.

Mangga Recipes

Ang ating ipinagmamalaking mangga, marami pang ibubuga sa kusina. Naiintriga ba kayo sa Sinigang sa Mangga at Mango Chicken Curry? Mula sa easy-to-do ensalada, hanggang sa ulam at panghimagas, hayaan n'yo na busugin ng mangga ang buong pamilya. At ang dagdag good news, dahil in season ang prutas na ito, magagaan pa ang mga mango recipe sa bulsa!

Abangan ang magandang balita ni Vicky Morales ngayong Lunes sa GOOD NEWS, 8pm sa GMA News TV.