ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga kuwento ng kawanggawa, tampok sa Investigative Documentaries


KAWANGGAWA
04 May 2017 Episode

Sa pagdagsa ng turista sa mga magagandang lugar ngayong tag-araw, naiiwan ang mga basura. 

Ito ang dahilan kaya itinatag ng isang grupo ng mga babae ang NYMPH, na ang layunin ay panatilihing malinis ang Masasa beach sa bayan ng Tingloy, Batangas.

Nobyembre 2016 nang itatag nina Mushy, Ivy at Angge ang NYMPH, na hango sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay mga dalagang tagapangalaga ng kapaligiran.

May pagkakataon na nakakolekta sila ng pitong sako ng basura sa tabing-dagat at sa tubig.

Ang second year student ng University of the East naman na si Dara Mae Tuazon ay naging viral ang litrato habang nagtuturo sa isang bata sa kalsada. Araw-araw niya itong ginagawa para sa mga batang lansangan.

Kinilala ng unibersidad ang ginawa ni Dara Mae. Dahil dito inilunsad ang Bangketa UE-eskwela nitong Abril. Isang make shift classroom ang ipinagawa ng unibersidad para suportahan ang proyekto. Aaabot sa 20 bata edad 5 pataas ang tinuturuan sa ilalim ng programa.

Kilalanin ang ilan sa mga kababayan natin na kumikilos para sa pagbabago, at may tunay na malasakit sa komunidad.

Huwag kaliligtaang manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug