Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Cesar, Angelica, Paradizoo, and derma


Episode on September 23, 2007 Sunday, 10:30 a.m. Issue #1: Who is the famous actor who tried his hand in politics but is now into painting? He also does farming and runs a restaurant. Is he into new things because he has no new movie or simply because he has a lot of talents? Host Susan Enriquez get the answer straight from Cesar Montano. Issue #2: Who is the actress who reportedly dealt with residents of Salcedo Village, Forbes Park, and Bel- Air? A source said Angelica Jones fearlessly showed how to survive the flea markets in those posh subdivisions. Issue #3: Do you know the Seven Skin Sins? Do you use just sun block at the beach or forget to remove your make-up before you sleep? Kay Susan Tayo reveals the Seven Derma Commandments. Issue #4: Who are the love birds spotted at the Paradizoo Farm in Cavite? Witnesses say their romance isn't just on-screen as they sweetly frolicked with a camel, goats and other animals at the farm. They reportedly celebrated their anniversary with a special banquet in the place. Find out who the love birds are in Kay Susan Tayo! Watch these Kay Susan Tayo! stories, hosted by Susan Enriquez, on Sunday, 10:30 a.m., on GMA.
Isyu # 1: Sino ang batikang aktor na ito na sumabak sa pulitika at ngayo’y pagpipinta naman daw ang pinagkakaabalahan? At bukod sa pagiging pintor, pinasok na rin daw ng naturang leading man ang pagsasaka at pagpapatakbo ng restawran! Ito ba’y dahil wala siyang pelikula o dahil talagang multi- talented lang siya? Ang kasagutan malalaman n’yo sa paghaharap ni Susan Enriquez at Cesar Montano! Isyu # 2: Sino naman ang aktres na ito na sumugod daw sa Makati at lakas loob na nakipaggitgitan sa mga residente ng Salcedo Village, Forbes Park, at Bel- Air? Ayon sa aming source, ang palaban na starlet ay walang takot na sumampol ng mga pagkaing imported at nakipagsabayan pa sa pag-Ingles! Excuse me, hindi po siya GR at lalong hindi siya NR (no reaction) dahil ipapakita ni Angelica Jones kung paano mag-survive sa flea market ng mga sosyal! Isyu # 3: Sino ang nagkasala pagdating sa 7 Skin Sins? Ikaw ba na gumagamit lang ng sunblock kapag nasa beach o siya na hindi nagtatanggal ng kolorete sa mukha bago matulog? Sino ang parurusahan dahil sa maling skin regimen? "Ang Pitong Utos ng Derma", ilalantad na! Isyu # 4: Sino ang loveteam na namataang sweet na sweet sa Paradizoo Farm sa Cavite? Ayon sa mga nakakita, mukhang totohanan na ang on-screen romance ng dalawa dahil daig pa nila ang lovebirds na naglalampungan habang nakikipaglaro sa mga camel, kambing at iba pang farm animal. Dagdag pa ng mga eyewitness, mukhang doon nag-celebrate ang dalawa ng kanilang anibersaryo dahil may special banquet na inihanda para lang sa kanila! Sino ang mag-dyowang ito na nag-date sa Paradizoo? Secret muna!!! Tunghayan ang mga kontrobersyal na personalidad at usapin sa Kay Susan Tayo! Sa ika-23 ng Setyembre, Linggo, 10:30 ng umaga sa GMA lamang!