ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Local burial traditions


Episode on October 25 , 2007 Thursday late night after Saksi Lamay Nakagawian na nating mga Pinoy na sundin ang mga sari-saring paniniwala sa tuwing may burol at libing. Ilan sa mga ito ay ang hindi pagsuot ng pulang damit, ang paggunita ng 40 days, ang hindi pagwawalis sa bahay kung saan ang burol, ang paghakbang ng mga kabataan sa kabaong at ang pagpapabaon ng pera sa bangkay. Karamihan sa mga paniniwalang ito ay nauugat pa sa mga gawi ng ating mga ninuno bago pa dumating ang mga Kastila. Laro sa lamay Sadyang mahaba ang lamayan ng mg Pinoy kaya kailangan daw ng mga larong makakapagpa-gising sa mga inaantok na nakikiramay. Ang mga paborito - sakla, swaho, color game, tong-its at bingo. Alamin kung ano ang pinagmulan ng mga larong ito at bakit tila gaya ng kape at biskwit, kakambal na sila ng lamay. Sikatakot Sa panahon ng araw ng mga patay, buhay na buhay ang mga sikat na katakot! Natatandaan nyo ba pa si Piling - ang pinakasikat na zombie sa pelikulang Pilipino? Ang lolang bruha - si Lilia Cuntapay? Kilala mo ba ang artistang laging patay ang role sa pelikula kaya ang screen name na niya ay Bangkay? At ang all-time favorite na multo - si Palito!