ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang flavors ng Ilocos Norte, titikman sa 'Biyahe ni Drew!'


 

 

Biyahe ni Drew: Flavors of Ilocos
Friday, September 7, 2018
8 pm on GMA News TV

Makailang beses mang napuntahan, iba pa rin ang dating ng Ilocos Norte. Sa Biyernes, samahan si Drew  Arellano na maglibot para matikman ang lasa at sarap na  Ilokanong-Ilokano.

Sikat ang Ilocos dahil sa tourist spots tulad ng Pagudpud, Paoay Church, at Patapat Bridge. Pero kakaiba talaga ang atraksiyon ng Bangui Windmills kaya ito agad ang bibisitahin ni Drew. Ang bawat isa sa 49 na tore ay aabot ng 60 metro ang taas.  Sa mga ito nanggagaling ang 40% ng supply ng kuryente sa buong Ilocos Norte!

Sa Badoc, pupuntahan ni Drew ang Badoc Island na itinuturing pang isang virgin island dahil hindi pa ito masyadong  napupuntahan ng mga tao. Kaya naman sasamantalahin ng BND Team ang pagbababad sa crystal clear waters nito.
 
 
Pero dahil pagkaing Ilokano talaga ang sadya niya, nakapila ang mga putaheng kakainin ni Drew. Sa Batac, kakaiba ang empanada na may palamang monggo, papaya, longganisa at itlog. Nariyan din ang miki na gawa sa freshly made noodles.
 

Sa isang farm, patok na patok ang agri-tourism activity na “pick and buy” kaya mabenta ang local favorite na dragon fruit. At sa sikat na Katrina’s Carinderia,  mabenta ang dinuguan, paksiw, tinunot, at ang Ilocano version ng dinuguan na dinardaraan.

Matutunan din ni Drew ang tamang paraaan ng pagluto ng Ilokano classic na pinakbet, poque-poque, bagnet, at dinakdakan. Naimas!

Kain na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!