ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Life and death


Episode on November 8, 2007 Thursday late night after Saksi Liwanag Kakaiba ang karanasan ng mga taong minsan nang nalapit sa bingit ng kamatayan o iyong mga nakaranas na ng near-death experience. Sa ilang minuto raw na ang kanilang diwa ay nasa pagitan ng mundo at kabilang buhay, maraming nakikitang hindi maipaliwanag. Tulad ng mga liwanag, mga namayapa nang mga kamag-anak, mga maamong anghel at may ilan pa ngang nakakakita raw kay San Pedro. Aalamin din ang mga iba't ibang paniniwala natin mga Pinoy sa "kabilang buhay". Ibon ng buhay Ang mga kalapati ay isa sa mga simbolo ng kabilang buhay at muling pagkabuhay. Sa tradisyong Pilipino nga ay kalimitang nagpapakawala ng mga kalapati sa libing at kasal. Pero ang ilan nating kababayan, ginagamit ang kalapati para sa karera. Pakpak ng kamatayan Kung ang kalapati, simbolo ng buhay, ang paru-paro naman daw ay simbolo ng kamatayan o ang kaluluwa ng kamatayan. Marami ang naniniwala na ang dumadalaw ang mga kamag-anak na namayapa na sa pamamagitan ng isang paru-paro. Ang paru-parong itim naman ay isang babala raw na may maaaring mamatay sa pamliya. Pero gayunpaman, may mga kababayan tayong aliw na aliw pa rin sa sinasabing pakpak ng kamatayan. May mga nangongolekta ng mga gamit na may disenyong paru-paro, may mga nag-aalaga at nagpaparami nito o kaya'y ginagamit ang mga insektong ito para sa negosyo. Makulay ang buhay May mga naniniwala na ang bawat tao ay may taglay na aura o enerhiya na nagiging indikasyon ng kaniyang buhay. Ito raw ay bumabalot sa ating at mayroon iba't ibang kulay. Ito ay nakukuhanan din ng larawan sa pamamagitan ng Aura Photography.