ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Needle fish, scleroderma, minors in ilicit trades
Episode on November 23, 2007 Friday late night after Saksi Sobengan (Needle fish) Isa ang isdang sobengan o needle fish sa mga yamang dagat na matatagpuan sa Palawan. Malaki at masarap ito kaya madalas na pinupuntirya ng mga mangingisda. Pero ang isdang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan ay maaari rin palang magdulot ng kapahamakan. Ika-31 ng Agosto nang matusok si Vincent Bernardino ng isang sobengan. Umabot sa kaniyang bato at bituka ang tusok ng nasabing isda. Bukod kay Vincent, ilan pang mangingisda ang nameligro ang buhay dahil sa sobengan. Pati kasi mga bangka, kayang butasin ng isdang ito. Ngayong Biyernes, ang peligrong dulot ng sobengan ang tututukan ng Emergency. Balat-kahoy May kakaibang sakit na dumapo kay Imelda Jamilosa. Ang kanyang balat, tila kahoy ang hitsura. Apat na taon na raw niyang pinagdurusahan ang sakit na ito na kung tawagin ay scleroderma. Dahil sa sakit na ito, hindi niya magalaw ang kanyang leeg at mga daliri. Hindi rin siya makayuko at makaluhod. May lunas pa ba ang karamdaman na dumapo kay Imeda? Menor de peligro Sa isang mahirap na bansa tulad ng Pilipinas, hindi na nakagugulat na may mga kabataan na sa murang edad ay nasasadlak sa mabibigat na trabaho. At may ilang nakilala pa ang Emergency na gumagawa ng iligal, tulad ng pagnanakaw. Ito lang daw kasi ang alam nilang gawin para mabuhay ang kanilang pamilya kahit na malagay pa sa peligro ang buhay nila. Paano maiwawasto ang landas ng mga batang namulat sa iligal na gawain?
More Videos
Most Popular