Malinis na palikuran, may epekto nga ba sa kalusugan?

THE HEALTHY JUAN: KUBETA
NOVEMBER 25 & DECEMBER 1, 2019
MONDAY 7:30 PM & SUNDAY 5:30 PM ON GMA NEWS TV
Sa isang survey na isinagawa noong 2017,mas marami pa raw ang bilang ng kabahayan na may cellphone kaysa bilang ng may palikuran. Sa panahon ngayon, gaano nga ba kahalaga ang pagkakaroon ng maayos at malinis na kubeta sa inyong tahanan?
Sinasabing ang kalinisan ng isang tao, masasalamin daw sa pangangalaga niya sa kaniyang banyo. Totoo kaya ito?
Makiisa rin sa taunang selebrasyon ng World Toilet Day at alamin ang wastong pangangalaga ng kubeta para mag-goobye sa dumi at hello healthy ang buong family!
Laking pasasalamat ng mga taga-Baseco sa Maynila dahil masisimulan na nilang ma-i-flush ng problema nila sa pagbabawas. Alamin ang kalagayan ng mga residente na ngayon pa lamang magkakaroon ng sariling toilet bowl.
Ang importansya ng pagkakaroon ng maayos na palikuran at helpful tips ang tatalakayin kasama si Susan Enriquez sa The Healthy Juan: ToDOH Arangkada sa Universal Health Care, Lunes 7:30 ng gabi at Linggo, 5:30 ng gabi sa GMA News TV!