ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Skin cancer, rescue, prostitution


Episode on December 14, 2007 Friday late night after Saksi Lalaking walang mukha Si Mang Rey, 51 years old, inupos ng matinding karamdaman ang mukha. May squamous cell carcinoma kasi siya o skin cancer.
Nagsimula lamang ito sa sugat sa kaliwang mata at wala siyang kamalay-malay na ito ay lulubha at magreresulta sa pagkasira ng malaking bahagi ng kanyang mukha. Hangad ni Mang Rey ang gumaling mula sa kanyang karamdaman. At bago mahuli ang lahat, nais niya ring makapiling ang pamilyang iniwan niya dahil sa sakit na pasan-pasan. Akyat-billboard Nitong Biyernes lang, may lalaki na umakyat sa isang billboard sa EDSA para magpakamatay. Kahirapan at kawalan daw ng pag-asa sa buhay ang mga dahilan kung bakit pinagtangkaan niya ang sariling buhay. Mabuti na lang, mabilis ang pagresponde ng rescue team sa lalaking tila lito sa buhay.
Alamin ang buong storya sa likod ng tangka niyang tumalon at ang pag-responde ng mga rescuers para isalba ang kanyang buhay. Prosti si lola Limampung taon na si Aling Corazon pero kailangan niya pa ring magtrabaho para buhayin ang kanyang mga anak at apo. Gabi-gabi, nagkukubli siya sa mga madidilim na kalsada para magbenta ng laman at kumita ng kaunting pera. Isa lang si Aling Corazon sa mga kababaihang sa kabila ng edad ay lugmok pa rin sa ganitong hanapbuhay dahil sa kahirapan. Ang buhay ng mga matatandang prostitute at ang panganib na kanilang kinakaharap, tatalakayin ng Emergency.