ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Firecrackers


Episode on December 28, 2007 Friday late night after Saksi Kada taon, nakasanayan na ng marami sa atin na salubungin ang Bagong Taon sa pamamagitan ng pagpapaputok. Pinaniniwalaan kasi na ito ay paraan ng pagtaboy ng malas at papasukin ang swerte sa bagong taon. Pero minsan, ang akalang magdadala ng swerte ay siya pang sanhi ng disgrasya. Ngayong Biyernes, isang paalala ang hatid ng Emergency para ligtas ang pagdiriwang at pagsalubong ngayong Bagong Taon. Paputok na gawa ng mga bata Tatlong taong gulang pa lang si Roselyn, namulat na ang kanyang buhay kasama ng mga kapatid sa pagawaan ng paputok. Trabaho niya ang mag-repack ng paputok kasama ang kaniyang pamilya. Hindi alintana ni Roselyn ang peligrong maaaring idulot ng kaniyang trabaho. Ang labing dalawang taong gulang na si Maxine naman, na-trauma matapos mamatayan ng dalawang kapatid nang sumabog ang pinagtatrabahuhan nilang pagawaan ng paputok. Sunog na katawan naman ang tinatak kay Jay Peter ng kanyang mapait na karanasan sa pagtrabaho sa pagawaan ng paputok. Sisiyasatin ng Emergency ang mga panganib ng mga batang gumagawa ng paputok. Palpak na paputok Delikado ang gumamit ng paputok. At nadaragdagan ang peligro kapag ang ginamit ay kwestiyunable ang kalidad. Napatunayan ito nina Laline at Sammy nang minsang pumalya ang gamit na paputok. Nabulag si Laline dahil sa palpak na kwitis, at si Sammy naman ay naputulan ng kaliwang kamay dulot ng sumabog na pla-pla. Paano nga ba makakaiwas sa disgrasya ngayong Bagong Taon? Biktima ng paputok Sa loob ng labindalawang taon na pagtutok ng Emergency sa mga ospital at kalsada tuwing sumasapit ang Bagong Taon, marami na kaming nasaksihang kwento ng mga pagsisi. At halos lahat sa kanila - mga biktima ng pagsabog ng paputok. Noong nakaraang bagong taon lang, tuluyang nabago ang buhay ni Albrian dahil lamang kasi sa isang roman candle. Nabulag ang kaniyang kanang mata matapos masabugan nito. Wala nang mga daliri sa kanan at kaliwang kamay si Ton-ton ngayon. Namumulot siya ng paputok noon at naisipang ikiskis ito sa pader. Sa kasamaang palad, nasabugan ang kanyang kamay. Ilan lamang sila sa kwento ng mga nagsisisi tuwing sumasalubong ang bagong taon. Ngayong Biyernes, muling magpapaalala ang Emergency ng mga paraan para makaiwas at maging ligtas ang inyong Bagong Taon.