ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Abortion, guardians of the sea, gang marks


Episode on January 18, 2008 Friday late night after Saksi Naudlot na aborsyon Labing anim na taon na si Alvin pero hindi pa siya nakapaglalakad. Baluktot ang kanyang mga kamay at hindi magalaw nang maayos. Ganito na ang kanyang kundisyon mula nang ipanganak siya. Sinubukan kasi ng kanyang ina na ipaglaglag siya habang siya ay nasa sinapupunan pa. Tinatayang 750, 000 kababaihan ang nagpapa-abort kada taon. Ayon sa pag-aaral, may masamang epekto sa kalusugan ng isang babae ang ganitong gawain. Pero ang mga sanggol na nakaligtas sa ganitong mga tangka ay mas higit ang epekto. Ang pagkakaroon ng physical deformities, iba’t ibang sakit o kakaibang kondisyon ang maaaring kahahantungan ng mga ganitong sanggol. At dala-dala nila ito hanggang sa kanilang paglaki. Sa Biyernes, alamin ang ang iba pang panganib na dulot nang naudlot na aborsyon. Guardians of the sea Sa buong karagatan, sila ang tinaguriang Guardians of the Sea. Mula sa pagtataguyod ng batas pandagat hanggang sa pagsiguro sa kaligtasan ng mga papalaot, sila ang inaasahan – ang Coastguard! Bago sumabak sa kanilang serbisyo, sumasailalim sa matinding pagsasanay ang ang apat na libong miyembro nito lalo na ang search and rescue unit. Mula sa pagsisid sa libu-libong talampakang lalim ng karagatan, pagtalon o pag-rapel mula sa helicopter at pakikipaglaban sa lakas ng alon – lahat nang ito, kanilang ginagawa para mailigtas lang ang bawat isa na nasa bingit ng panganib. Pero, sa gitna ng kanilang pagbibigay serbisyo, kalimitang sila mismo ang nalalagay sa peligro. Samahan ang Emergency sa pagsilip ng buhay Coasguard. Marka ng barkadahan Gamit ang baryang dinarang sa apoy at sigarilyo na idinidikit sa may pulso... karayom at tinta ng ballpen naman para sa tattoo. Ito ang mga ginagawa para mag-iwan ng marka sa bawat miyembro na pumapasok sa gang. Idagdag pa ang tatlumpong minutong pagpapabugbog. Si Morgan, sa edad na trese, burdado na ng tattoo ang katawan. Si Jhony, sanay na sa bawat suntok at palo sa kanyang katawan at si Aryan, bagamat babae, hindi iniinda ang hapdi ng mainit na baryang ipinangmarka sa kanya. Ang bawat marka sa kanilang murang katawan ang pinaniniwalaan nilang tatak ng kanilang kapatiran – kahit na ang kapalit ay pasakit. Ano ang panganib na kinahaharap ng bawat miyembro na sumasailalim sa marka ng barkadahan?