ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Saints
Episode on January 24, 2008 Thursday late night after Saksi Mga santong Pinoy Kahit sino ay pwedeng maging santo. Kahit tayong mga Pilipino. Yan ang pinatunayan ni San Lorenzo Ruiz, ang kauna-unahang santong Pilipino. Balikan ang kwento ng kaniyang buhay, paghihirap at kamatayan sa bansang Hapon kung saan sinubok ang kanyang pananamplataya sa Diyos. Kilalanin din ang iba pang Pinoy na malapit nang maging santo - sina Pedro Calungsod at Mother Ignacia del Espiritu Santo. Mga Patron ng Kahilingan Wala ka bang nobyo? Kailangan mo ba ng pera? May sakit ka bang gusto mong mapagaling na? May mga malalapitan ka raw sa bawat kahilingan - ang mga santo. Alam niyo bang mahigit sampung libo ang santo para sa iba't ibang intension? Mayroon pa ngang santo para sa telebisyon, sakit ng ulo, mga magnanakaw at pati computer. Sa mga ito, pinakasikat sa atin sina Santa Clara at St Jude. Alamin kung bakit nga ba inaalayan ng itlog si Santa Clara para sa magandang panahon at bakit si St. Jude ang nilalapitan ng mga taong halos wala nang pag-asa sa buhay. Mga obrang santo Kung mga made-to-order na Santo raw, sa Paete, Laguna at Tayuman ka raw makakikita ng mga de kalidad na rebulto. Pero alam n'yo bang maging sa paggawa ng santo ay may mga pamahiin din sila? Bawal daw gumawa ng Patay na Hesus o Santo Inchero sa ibang araw maliban sa Biyernes dahil may mamamatay din daw? Bisitahin din ang bahay na may mahigit limang-daang rebulto at makitulak sa makina ng umiikot na higanteng rebulto ni Mama Mary.
More Videos
Most Popular