Ang kuwento ng "Bahaginan" ngayong gabi sa Stories of Hope!

STORIES OF HOPE: BAHAGINAN
Lunes ng gabi, April 26 pagkatapos ng Saksi
Noong April 14, naglagay ng kariton si Ana Patricia Non sa isang bahagi ng Maginhawa Street sa Teachers Village, Quezon City. May laman itong mga delata, gulay, bigas, at iba pa. May karatulang nakapaskil sa taas: ‘Maginhawa Community Pantry’. Sa ilalim nito, ang simpleng slogan na umalingawngaw sa sambayanan: “Magbigay ayon sa kakayanan. Kumuha batay sa pangangailangan.”

Dito nagsimula ang “community pantry” na nagmistulang simbolo ng malasakit sa panahon ng pandemya. Makalipas ang isang linggo, halos 350 community pantries na ang nagsulputan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa pagkakataong ito, hindi lamang nakatutok sa isa ang kuwento. May mga mangingisdang namigay ng kanilang huli, may mga magsasakang namahagi ng kanilang ani, may mga korporasyong nagdala ng kanilang mga produkto. Nagtulong-tulong ang mga Pilipino, mahirap man o mayaman, na hindi magutom sa araw na iyon ang kapwa. Sa halip ng paghihirap at sa gitna ng pandemya, ang ganitong bahaginan ang natatanging paalala sa bukal na kalooban ng Pilipino.


Sundan ang kuwento ng diwa ng "Bahaginan" sa Stories of Hope ngayong Lunes ng gabi, April 26 pagkatapos ng Saksi sa GMA.
On April 14, furniture designer Ana Patricia Non walked along Maginhawa Street in Teachers Village, Quezon City. She chose a spot, put down a rattan cart, and filled it with canned goods, vegetables, and packs of rice. A cardboard sign was installed: ‘Maginhawa Community Pantry’. Underneath, a simple slogan that rippled through the nation. “Magbigay ayon sa kakayanan. Kumuha batay sa pangangailangan.” (Give what you can, take what you need)
Thus began the ‘community pantry’ phenomenon, which has become a symbol of empathy during this long and difficult pandemic. A week since it began, 350 community pantries have popped up all over the country. This is not a story of a single person. Fishermen have donated some of their catch. Farmers have also sent sacks of their harvests. Individuals and corporations have also quietly donated goods to the pantries. Filipinos came through, rich or poor, to put food on their fellowmen’s tables each day. Despite the hardships, in the midst of this life-changing pandemic, this period of sharing and empathy truly exposes the good in the Filipino.