ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Recycled cooking oil
Episode on February 1, 2008 Friday late night after Saksi Recycled Mantika Laway at tatag lang ng sikmura ang puhunan ng ilang negosyate sa Tondo. Mula sa tira-tira at gamit na mantika, nagkakalaman ang kanilang sikmura at bulsa. Humihingi kasi sila ng mga gamit ng mantika sa iba't-ibang restaurant para pagkakitaan. Kaunting sala, kaunting init sa nagsesebo at hindi na malinaw na mantika, may instant cooking oil nang pwedeng ibenta! Hindi naman daw nahahalata ng mga mamimili na ang kanilang binibili ay gamit na pala. Sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon, sino ba naman ang hindi kakagat sa P450 hanggang P500 kada lata ng mantika? Halos kalahati lang ito ng presyo kung ikukumpara sa hindi pa gamit na mantika. Ano nga ba ang epekto ng gamit na mantika sa kalusugan? At paano malalaman kung ang binibili mo ay gamit na pala? Bagong Adiksyon Sa isang lugar sa Kamaynilaan, nadiskubre ng Emergency ang kakaibang trip ng ilang grupo! Gamit ang acetone, thiomersal o yung gamot na ginagamit bilang antiseptic, at minsan pa nga ay gin.tinuturok ng ilang indibwal ang mga ito sa kanilang katawan para raw sa kakaibang "high". Ang hindi nila alam, peligroso ang kanilang ginagawa. Ano nga ba ang masamang epekto ng mga kemikal na ito sa ating katawan kapag inabuso? Bagong Operasyon sa Balikat Si Jeoffrey Escanillas, isang seaman. Minsang nanakit ang balikat dahil sa isang aksidente. Pero imbes na patingnan sa doktor, sa manghihilot siya kumonsulta. Hindi napawi ang kanyang sakit kung kaya kalaunan ay tumakbo rin siya doktor. Dito na niya nalaman na naputol pala ang litid sa kanyang balikat. Kung dati, ang ganitong kaso ay nangangailangan ng operasyon.ngayon, may prosesong hindi na nangangailangan ng open surgery. Ito ay ang shoulder arthroscopic reconstruction. Mabilis na ang proseso, madali rin gumaling ang pasyente. Sagot na kaya ito sa iba't-ibang problema sa balikat?
More Videos
Most Popular