“Wheelchair Store” ngayong gabi sa Stories of Hope!
STORIES OF HOPE: WHEELCHAIR STORE
Lunes ng gabi, June 21 pagkatapos ng Saksi sa GMA!
Siya si tatay Florante Duarte, 50 years, hindi na makalakad mula pagkabata dahil sa polio. Dalawang beses na rin syang na-stroke. Pero sa kabila nito patuloy siya sa pagsisikap para sa pamilya.
Maghapon siyang nagtitinda ng face mask, face shield at basahan sa tabing kalsada ng San Jose Del Monte, Bulacan. Tinitiis niya ang init ng araw pati na ang ulan, kumita lang para sa pamilya.
Katulong din ni Tatay Florante sa buhay ang isang anak na nagtatrabaho. Ang isa naman, itinataguyod nila ang pag-aaral. Nakikipaglabada rin ang asawa niyang si Mildred pero kulang talaga ang kita.
Kailangan din kasi nilang makaipon ng pambili ng maintenance medicines ni Tatay Florante.
Abangan ang kuwento ng katatagan, pagpupursige at kasipagan ni Tatay Florante sa “Wheelchair Store” sa Stories of Hope ngayong Lunes ng gabi , June 21, 2021, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7!