Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

‘K-POP NATION’ tampok ngayong Linggo sa ‘Stories of Hope’


 

STORIES OF HOPE: “K-POP NATION”
Linggo ng hapon, 4:35 PM simula ngayong July 4 sa GMA

 

May Korean invasion sa Pilipinas. Mapa-ordinaryo o kilalang personaliad, nahuhumaling sa tinatawag na K-Pop! Isa sa mga iniidolong K-Pop superstar ngayon—ang grupong BTS.  Ang pag-idolo ng maraming fans na tinatawag na ARMY, naging daan para gumawa ng kabutihan at makatutulong sa iba. 

 


 


 

 

Si Billy Jones o Bie Rosales ang isa sa mga administrator ng BTS ARMY Cavite Fanbase.  Kamakailan, nasunugan ang nasa isandaang bahay sa kanilang lugar kaya nagtayo sila ng food pantry para sa mga naapektuhang residente. Para makatulong naman sa pagprotekta ng marine wildlife species, nag-adopt ang grupo nina Billy ng walong humpback whale sa Babuyan. At ang pito sa mga balyena, ipinangalan nila sa pitong miyembro ng BTS. 

 

 

Sa kasagsagan naman ng pandemiya, binuo ni Demai Granali ang Titas of BTS. Gaya nina Billy, gumagawa rin sila ng mga paraan para makatulong sa kapwa. Kamakailan, sinimulan ng Titas of BTS ang isang fundraising project para matulungan ang little army na si Jamila Mae o Jam Lazo, 10 taong gulang. Natuklasang may bone cancer si Jam. Pero ang malungkot, palliative care na ang ibinibigay ngayon sa bata. Sa tulong daw ng BTS, natutulungang mas lumakas si Jam. 

 


 

 

Sa kabundukan naman ng Carranglan, Nueva Ecija, sinimulan ng grupo nina Elyssa Uy ang BTS Tree Park. Nakapagtanim sila ng 1,500 seedlings. 

 


Ang Kapuso host/reporter na si Mariz Umali, isa ring certified K-drama at K-pop fan! Minsan na nga silang nagpunta ng South Korea para makita ang ilan sa kaniyang mga idolo. Nito lang nakaraang buwan, kasama ang kapwa K-drama at K-pop fan, namahagi sila ng pagkain sa mga nasa lansangan bilang pagdiriwang sa birthday ng isa sa kanilang K-drama idol. 

Abangan ang iba’t ibang kuwento ng kabutihan dulot ng K-Pop sa “Stories of Hope” sa bago nitong araw at oras, tuwing Linggo, 4:35 PM  sa GMA 7.