Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Cavite City murder case, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


IMBESTIGADOR: LALAKI SA HUKAY: CAVITE CITY MURDER CASE

Sa pagganap ni Neil Coleta

November 27, Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

Sa lungsod ng Cavite, isang krimen ang pilit na itinago. Pero ano mang pagkukubli, aalingasaw din ito at lilitaw ang katotohanan.

Nakagapos ang mga kamay at paa nang mahukay ang bangkay ng isang lalaki sa masukal na lugar sa Cavite City. Unti-unti na ring naagnas ang katawan ng biktima. Ayon sa mga otoridad, namatay sa bugbog at sakal ang biktima bago siya inilibing sa hukay.

Ang biktima sa karumal-dumal na pagpaslang kinilalang si Ricky Boy Colarte, dalawampu’t dalawang taong gulang. Ano ang kwento sa likod ng kanyang kahindik-hindik na katapusan? Sino ang nasa likod ng krimen?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap ni Neil Coleta sa Imbestigador ngayong November 27, 2021, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA