Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Biyahero Drew goes on a family trip in Alfonso, Cavite!


ISANG BIYAHE PARA SA BUONG PAMILYA SA ALFONSO, CAVITE!

Sunday, December 5, 2021
8:30 PM GTV


Matagal-tagal na ring nasa bahay lang ang mga chikiting kaya sa Linggo, it's all about the family sa Alfonso, Cavite!

Para sa mga batang mahilig sa iba't ibang hayop, naghihintay ang mga kambing sa Twin Girls Farm. May mga fun activities din tulad ng goat-feeding at goat-milking.

 

 

Samantala, sa Camp Benjamin, puwede rin mag-feeding sa mga rabbit.  Puwedeng-puwede sa mga bata at young at heart ito. Nariyan din ang iba pang activities tulad ng zipline! May fruit picking pa kung saan puwede niyong matikman agad ang napitas niyong prutas. Siguradong matutuwa ang lahat ng miyembro ng pamilya!

 

 

 


 


Para naman sa pagkain, akalain niyong may iba pa palang luto ang adobo? Ang tablea, puwede pala ilagay sa adobo. Ang resulta? Isang yummy dish kung saan mabubusog ang mga bata!

 


Makikilala naman ni Biyahero Drew ang mga lokal na gumagawa ng iba’t ibang rice delicacy ng Alfonso, Cavite.

 

 


 


 


Ihanda na ang pamilya at sumama na sa Biyahe ni Drew sa Linggo, 8:30PM sa GTV.

------

In this episode, family comes first as Biyahe ni Drew goes to Alfonso, Cavite where Drew feeds the goats and rabbits at a couple of farms, eats tablea-infused dishes, and checks out the outdoor activities at a camping site.