ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Away Aso" and "Sarah Jane: Ang Tunay na Diary"


Episode on April 5, 2008 Saturday, 11:30 p.m This Saturday, Sine Totoo presents two exclusive stories by Arnold Clavio for GMA's original primetime magazine program Brigada Siete. The segments were both eye-openers when they first aired, causing massive public reaction ... one even helping launch a senate investigation. "Away Aso" was Clavio's exposé on the brutality of pitbull fighting. Back in 1994, the violent game was still a brand new form of entertainment. Brigada showed how pitbulls are trained to fight hard . made to chew on rubber tires and coconut husks to strengthen their bite. A bloody pitbull fight ends only when one of the fighters' jaws locks on its opponent. The Brigada piece created an uproar among animal advocates, causing pitbull fighting to be declared illegal. In "Sarah Jane: Ang Tunay na Diary", Clavio followed the life and struggles of Sarah Jane Salazar over a span of 4 years, eventually building a close friendship with her. Sarah Jane was one of the first AIDS victims in the Philippines to come out in public. Before the disease claimed her life, Sarah Jane became an active AIDS awareness advocate. Sine Totoo host Howie Severino interviews Arnold Clavio - one of the original hosts of Brigada Siete - about these stories. Arnold shares how Brigada influenced and inspired the current generation of GMA public affairs programs and reporters. Catch two of Arnold's unforgettable Brigada Siete exclusives - "Away Aso" and "Sarah Jane" - this Saturday on Sine Totoo.
Ngayong Sabado, itatanghal ng Sine Totoo ang dalawang eksklusibong istorya ni Arnold Clavio para sa orihinal na primetime magazine program ng GMA: ang Brigada Siete. Nang una itong ipalabas, binuksan ng mga istoryang ito ang mga mata ng publiko... ang isa pa nga'y nag-udyok ng imbestigasyon sa senado. Ang "Away Aso" ang exposé ni Clavio sa brutal na pitbull fighting. Noong 1994, nauuso pa lamang ang larong ito bilang libangan. Ipinakita ng Brigada ang matinding pagsasanay na pinagdadaanan ng mga pitbull para makipaglaban. Ipinakakagat sa mga aso ang mga gomang gulong at bao ng niyog para tumibay ang kanilang ngipin. Natatapos lamang ang isang madugong laban kapag nagsara ang panga ng isang pitbull sa kanyang kalaban. Dahil sa ulat na ito, kumilos ang mga animal advocate para maideklarang ilegal ang pitbull fighting. Sa "Sarah Jane: Ang Tunay na Diary," sinundan ni Clavio ang mga pagsubok sa buhay ni Sarah Jane Salazar sa loob ng apat na taon, na naging daan para maging malapit silang magkaibigan. Isa si Sarah Jane sa pinakaunang biktima ng AIDS sa Pilipinas na lumantad sa publiko. Bago siningil ng AIDS ang buhay ni Sarah Jane, naging aktibo siyang tagapagtaguyod ng AIDS awareness sa bansa. Kakapanayamin ni Howie Severino si Arnold Clavio - isa sa mga orihinal na host ng Brigada Siete - tungkol sa mga ulat na ito. Ibabahagi ni Arnold kung paano naging mahalagang impluwensya at inspirasyon ang Brigada para sa kasalukuyang henerasyon ng GMA public affairs programs at reporters. Tunghayan ang dalawang eksklusibo at di malilimutang ulat ni Arnold sa Brigada Siete - "Away Aso" at "Sarah Jane" - sa Sine Totoo.