ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Bigas ng Bayan
Episode on April 10, 2008 Thursday night after Saksi The rise of rice From being worldâs third biggest importer of rice in 2003, the Philippines has risen to the top of the list of rice importing countries worldwide, edging out more populous rice consuming nations like Indonesia and India. According to a study in 2006, every Filipino consumed 118.7 kilos or 2.4 sacks of rice a year. But over the last three months, our rice supply has thinned by 20 percent. Blame has been placed on rising petroleum prices (from which fertilizers and some pesticides are derived), mismanagement of government agencies, and even on unscrupulous rice dealers. How are Filipino families dealing with this almost literally gut-wrenching problem? Witness some of the more creative ways some Filipinos are resorting to just to mitigate the dearth in rice supply. And just when we thought P40 per kilo of rice is expensive wait until you hear about the P800 per kilo of grain we discovered. Rice rituals and rites President Arroyo declared April as the âPanagyaman Rice Festival" month recognizing the place of the diminutive grain as the foremost source of daily sustenance in the country with this celebration of the annual rice harvest. Aside from being an ironic and peculiar symbol of the governmentâs priorities in the agricultural sector, it seems that Filipinos, despite the rising cost of rice production are still set on celebrating the harvest season. Rice after all is a recurring theme in Philippine rituals. From the playing of the âkwintangan kayu" of the Yakans in Basilan to bless the propagation of newly-planted rice, to the ritual offerings to the âAmpo't Paray" or Rice God, to the tourist-friendly Pahiyas Festival in Lucban, Quezon, the element of rice is indigenous to ancient Philippine tribal culture. But how was rice introduced into the country? When did Filipinos start cultivating it? 100% Pinoy follows a family in the Coldilleras and learns how integral rice is not just as a staple food but as part of their culture. Wonder rice Rice consumption is not limited as victuals or at rituals. Contemporary modern applications and uses are starting to gain ground and traction as well. Meet a young artist whoâs medium of choice is the rice grain. He paints colorful vistas and uniquely Filipino images with collated grains of rice. See how at a young age he learned to express himself in an unexpected and uniquely edible form. But Filipinos innate creativity and resourcefulness are not limited to the fine art of rice paintings. Some have learned to create rice coffee, rice tea, carbonized rice hull, rice paper and some other rice applications you could never have imagined.
The Rise of Rice Mula sa pagiging ikatlo sa pinakamalaking importer ng bigas noong 2003, nangunguna na ngayon ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang nag-i-import ng bigas sa buong mundo. Sa katunayan, naungusan pa natin ang mga bansang mahilig sa kanin na may mas malaking populasyon sa atin tulad ng Indonesia at India! Bahagi na ng hapag kainan ng mga Pinoy ang kanin. Ayon sa isang pag-aaral noong 2006, bawat Pilipino ay kumukunsumo ng 118.7 kilo o halos dalawaât kalahating sako ng bigas kada taon. Sa kasalukuyan, nag-aangkat ng 2 milyong tonelada ng bigas ang Pilipinas, bukod pa ito sa kinakailangang anihin para sa pagkain ng mahigit 80 milyong Pinoy. Pero nitong nakalipas na tatlong buwan, unti-unti na raw tayong nauubusan ng supply ng bigas. Ang sinisising mga dahilan: ang pagtaas ng gasoline at iba pang produktong petrolyo, at ang hindi maayos na pamamalakad ng gobyerno sa mga natitira nating supply. Paano hinaharap ng mga Pinoy ang malaking kakulangan ng paborito nating pagkain? Panoorin ang ibaât ibang paraan ng mga Pilipino para malusutan ang problemang ito. At kung tingin ninyoây mahal na ang P40 kada kilo ng bigas, magugulat kayo sa nadiskubre ng 100 Pinoy: bigas na P800 ang presyo kada kilo! Rice rituals and rites Idineklara ni Pangulong Arroyo bilang âPanagyaman Rice Festival" ang buwan ng Abril bilang pagpupugay sa mga butil ng bigas na bumubusog sa ating mga kumakalam na tiyan. Pero sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa ating merkado, tuloy ang pagdiriwang ng mga piyestang ito! Mula sa pagtugtog ng âKwintangan Kayu" ng mga Yakan sa Basilan para sa isang masaganang ani, ang mga ritwal ng pag-aalay sa mga âAmpoât Paray" o Rice Gods, hanggang sa sikat na sikat na Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon, kitang-kita ang malaking bahaging ginagampanan ng bigas sa kultura ng mga Pilipino. Pero paano nga ba tayo natutong kumain ng kanin? Susundan ng 100% Pinoy ang isang pamilya sa Cordilera para tuklasin kung gaano kahalaga ang bigas sa buhay at kultura ng mga Pinoy. Wonder rice Alam nyo bang hindi lang pang-hapag kainan ang bigas? Sinong mag-aakalang may iba pa palang gamit ang mga butil na ito bukod sa panglaman tiyan ng mga Pilipino? Bukod sa pagiging kanin, ginagawa ring kape, tsaa, alak, at maging papel ang mga butil ng bigas! Isang batang artist ang gumagamit ng kumpol-kumpol na bigas para gumawa ng kanyang masterpiece! Mga vintas at iba pang imaheng Pinoy ang kanyang binubuhay sa pamamagitan ng paborito nating kanin. Samahan sina Miriam Quiambao at Joaquin Valdez sa pagtuklas ng kahalagahan at kabusugang hatid ng bigas sa ating bansa sa 100% Pinoy.

Tags: 100pinoy, riceshortage
More Videos
Most Popular